SIGA TIKLO SA BOGA

kulong

IBINALIBAG sa selda ang isang lalaking umano’y siga makaraang mahulihan ng baril sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Geoffrey Asejo y Caspillo alyas “Jeff”, 46, may asawa, tubong Barangay Diclum, Antique Province at naninirahan sa Barangay 12, Caloocan City.

Natiklo ang suspek sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations noong Hulyo 21 bandang 6:30 ng gabi sa Pampano Street, Barangay Longos, Malabon City.

Kinumpiska sa suspek ang isang 9mm pistol at magazine nito na may tatlong bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions. (ALAIN AJERO)

194

Related posts

Leave a Comment