SINDIKATO NG AGRI PRODUCTS PINAKAKALOS

“DAPAT nang kalusin.”

Ito ang galit na binitawan ni Agri party-list Representative Wilbert Lee laban sa mga sindikato hindi lang ng agri products kundi sa lahat ng gumagawa ng ilegal na transaksyon sa bansa.

Reaksyon ito ni Rep. Lee kasunod ng napaulat na illegal importation ng puting sibuyas na ang pangunahing biktima ay ang maliliit na magsasaka.

Sinabi ng mambabatas na talagang wala nang sinasanto ang mga nasa likod ng illegal importation na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka kung kaya’t nararapat lamang na mas pabigatin ang parusa sa mga ito.

Idinagdag pa ni Rep. Lee na dahil sa importasyon ay minamanipula ang suplay at presyo sa merkado.

“Mga certified gahaman na nagpapakasasa habang nagdurusa ang marami nating kababayan,” ayon pa sa mambabatas.

Naniniwala ang mambabatas na panahon nang pabigatin ang parusa sa mga abusado tulad ng smugglers. (CESAR BARQUILLA)

335

Related posts

Leave a Comment