SMB ‘di pa tapos magtapon ng players CABAGNOT BYAHENG DYIP NAMAN

MAKARAANG i-trade sa NorthPort si Arwind Santos, isa pang veteran Beermen na si Alex Cabagnot ang ibinyahe naman sa Terrafirma ng San Miguel.

Kasunod ng pagtapon kay Santos kapalit ni Vic Manuel, si Cabagnot naman ang ididispatsa ng SMB tungo sa Dyip, kapalit nina Fil-Am guard Simon Enciso at dating No. 1 draft pick Roosevelt Adams.

Kapag nakumpleto na ang negosasyon na naghihintay na lang ng basbas ng PBA Trade Committee, makakasama na ni CJ Perez ang dalawang players mula sa dati niyang koponan.

Tinalo ang SMB ni coach Leo Austria sa semis ng nagkampeon sa 2021 Philippine Cup na TNT Tropang Giga ni coach Chot Reyes.

Gaya ni Santos, ang 38-anyos na si Cabagnot ay parte ng starting five ng Beermen simula noong 2010, nang magwagi ng walong titulo ang Beermen.

Ang 16-taong PBA player ay apat na beses lamang nakapaglaro sa Philippine Cup dahil sa injury at nagtala ng average 12.25 puntos, 3.75 rebounds at 2.75 assists sa 25 minutong paglalaro sa semis. (ANN ENCARNACION)

275

Related posts

Leave a Comment