SNATCHER NATUNTON SA MAKATI JAIL

BAGAMA’T nakakulong sa Makati Police station, isinilbi pa rin ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District sa isang 20-anyos na binata sa kasong robbery snatching sa Sta. Ana, Manila.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Badilla, tambay, ng Dagonoy St., Sta. Ana, Manila.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Station 6, bandang 4:30 ng hapon noong Huwebes nang isilbi sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni Judge Liwliwa Hidalgo-Buco ng Regional Trial Court Branch 34 ng Manila, na may inirekomendang piyansa P100,000 halaga.

Ayon sa rekord ng pulisya, si Badilla ay una nang dinakip ng Makati Police Station dahil sa kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) dahil sa paglalaro ng cara y cruz noong Oktubre 19, 2021.

(RENE CRISOSTOMO)

329

Related posts

Leave a Comment