NAIPAMAHAGI na ng pamahalaan ang social pension sa 1.7 million indigent senior citizens ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang weekly report sa Kongreso, nitong Lunes.
Sa kanyang weekly report, sinabi ni Pangulong Duterte na may 1,717,584 indigent senior citizens ang nakatanggap na ng kanilang social pension para sa first half ng 2020 at/o ang kanilang unpaid pension para sa taong 2019, na may kabuuang halaga na P5.15 billion.
Nakasaad sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na may mandato ito sa probisyon na bigyan ng P500 kada buwan ang mga indigent senior citizen para idagdag sa kanilang budget sa pang-araw araw na ikabubuhay at medical needs.
Ang weekly report ni Pangulong Duterte ay bilang pagsunod sa mandato ng Bayanihan to Heal as One Act, na nagbigay sa kanya ng karagdagang kapangyarihan para epektibong labanan ang pagkalat ng COVID-19. CHRISTIAN DALE
