SOLON NAGBABALA SA HINDI MAKONTROL NA PRESYO NG AGRI PRODUCTS

INAASAHANG mas lolobo pa ang presyo ng agri-products sa merkado kabilang ang lokal na karne ng baboy at manok dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa na halos umabot sa 40%, bunsod na rin ng giyera sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia.

Ito ang inamin ni AGAP Party-list at Presidente ng Federation of Pork Producers of the Philippines, (The Agricultural Sector Alliance of the Philippines) Congressman Nicanor Briones.

Sinabi ni Cong. Briones na malala ang pagkalugi ng mga nag-aalaga ng baboy at manok dahil nahaharap ang bansa sa tinatawag na food crisis.

Una, walang puknat ang pagtaas ng produktong petrolyo, kakulangan ng supply ng mga imported na raw materials tulad ng trigo at gamit sa pagkain ng hayop, kung may supply man hindi naman kayang bilhin ng mga negosyante dahil sobrang mahal, patuloy ang pananalasa ng ASF.

Ayon pa kay Briones, higit na dapat maghanda ang mga mamimili kapag natuloy ang banta ng mga kalapit nating bansa sa Asya na pigilin muna nila ang pag-export ng pagkain tulad ng bigas na kung saan nakadepende ang Pilipinas sa rice exporting countries tulad ng Vietnam, Thailand at India na nahaharap din sa World Food Security Crisis.

Nangangamba ang naturang mambabatas na kapag hindi nakagawa ng mabilis na hakbang ang papasok na bagong administrasyon ay lolobo ang bilang ng mga Pinoy na magugutom.

Nakalulungkot, ayon kay Briones sa kabila ng kulang na tayo sa pagkain, nagtatapon pa ng libong kilo ng sayote at kamatis ang mga magsasaka ng Ifugao, wala nang kinita ubos pa puhunan, tinapon na lang ang harvest na gulay na itinuturong dahilan ay ang over supply sa merkado ng mga imported na gulay.

Umapela ang kinatawan ng AGAP Party-list sa mga kapwa mambabatas na nangakong tutulong sa mga magsasaka noong kasagsagan ng kampanya na gumawa ng mabilisang aksyon bilang tulong at suporta sa agriculture sector sa pamamagitan ng bagong batas, kailangan na rin alamin sa nakatakdang pagbubukas ng bagong Kongreso kung saan napunta at sinong nakinabang sa buwis mula sa Rice Tarrification Law.

Kung si Cong. Briones ang tatanungin, pabor itong si President-elect Bongbong Marcos ang pansamantalang maupong kalihim ng Department of Agriculture (DAR) kahit isang taon lang habang wala pang napipisil na hahalili kay DAR Secretary John Castriciones.

Ito ay para malaman o makita ni PBBM ang mga problema sa loob ng kagawaran, lalo sa isyu ng smuggling at importation.

Nagrekomenda naman si Cong. Briones ng tatlong pangalan ng kanyang napupusuan na may puso aniya at pagmamahal sa mga mangingisda at magsasaka.

339

Related posts

Leave a Comment