Solon sa PhilHealth: BUONG HOSPITAL BILL NG COVID PATIENTS, SAGUTIN

HINDI kakayanin ng mga ordinaryong Filipino ang milyong halaga ng pagpapagamot sa COVID-19 kaya dapat umanong sagutin ito nang buo ng Philipppine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang pahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos mapag-alaman na may isang COVID-19 patient ang pinagbabayad ng hindi pinangalanang ospital ng P1.1 Million.

Nabatid na 18 araw lang sa pagamutan ang nasabing pasyente subalit umabot sa P1.1 Million ang kanyang hospital bill o P61,000 kada araw na pananatili sa pagamutan.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa PhilHealth at Inter-agency Task Force sa COVID-19 na sagutin nang buo ang hospital bills ng mga pasyente sa COVID-19 dahil hindi aniya ito kakayanin ng mga Filipino.

Sa ngayon ay P43,997 ang sagot ng PhilHealth sa mild pneumonia, P143,267 para sa moderate pneumonia, P333,519 sa severe pneumonia at P786,384 para sa critical pneumonia/Covid-19. BERNARD TAGUINOD

439

Related posts

Leave a Comment