SOLON UMAARBOR NG WAR SHIP SA US

PINAAARBOR ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Malacañang ang USS Philippine Sea warship ng Amerika para ideploy sa West Philippine Sea (WPS) upang maproteksyunan ang teritoryo ng bansa.

Kasabay nito, iginiit din ng isa pang kongresista sa gobyerno na paigtingin ang kampanya ng Pilipinas para makakuha ng non-permanent seat sa United Nation (UN) Security Council upang magkaroon ng boses sa pagdepensa sa interes ng bansa sa South China Sea.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, nakatakdang ide-activate ng Amerika ang kanilang USS Philippine Sea war ship sa susunod na taon kaya ngayon pa lamang ay pinadalhan nito ng sulat sina State Secretary Anthony Blinken, Defense Secretary Lloyd James Austin III at US Ambassador to Manila MaryKay Carlson para i-donate na lamang ito sa Pilipinas.

Malaking tulong aniya ang warship sa Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang pagpapatrulya sa WPS na ngayon ay pinaliligiran na aniya ng bansang China.

Ang nasabing war ship na ipinangalan sa Philippine Sea dahil sa Battle of the Philippine Sea noong World War II ay isang Flight II Ticonderoga-class guided missile cruiser ay nakatakdang iretiro sa 2025.

“With its historical background and its name being apropos and relevant to the current issue on our West Philippine Sea sovereign rights being illegally challenged by China, may I request that the USS Philippine Sea be donated to the Philippines,” bahagi ng sulat ni Rodriguez sa mga nabanggit na opisyales ng Amerika.

Samantala, sinabi naman ni Bukidnon Rep. Keith Flores na dapat tulungan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang kampanya para magkaroon ng non-permanent seat ang Pilipinas sa UN Security Council.

1Sakaling magtagumpay aniya ang DFA, hindi lamang interes ng bansa ang maipaglalaban sa WPS, kundi posibleng maging peace keeper pa ang Pilipinas, hindi lamang sa Southeast Asia kundi sa East Asia. (BERNARD TAGUINOD)

160

Related posts

Leave a Comment