SPECIAL PROSECUTOR ITINALAGANG ACTING OMB

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pag-upo ni Justice Mariflor Punzalan-Castillo bilang Officer in Charge (OIC) ng Office of the Ombudsman.

Si Punzalan-Castillo, Special Prosecutor ng Ombudsman ay nanumpa sa harap mismo ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Lunes, Hulyo 28, 2025.

“Wala ang JBC shortlist. Interviews of the aspirants by the JBC are yet to begin after the SONA,” ayon kay Bersamin.

Natapos ang termino ni Ombudsman Samuel Martires sa kanyang pagreretiro noong Hulyo 27, 2025.

Sa ulat, tinatayang 17 kilalang indibidwal ang naghain ng aplikasyon bilang susunod na Ombudsman chief.

Nito lamang Hulyo 4, ang huling araw para sa pagsusumite ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC).

Nabatid na kabilang sa mga naghain ng kanilang aplikasyon sina:
-Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan
-Dating BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares
-Justice Secretary Jesus Crispin Remulla
-Retired SC Justice Mario Lopez
-Retired Court of Appeals Justice Stephen Cruz
-Philippine Competition Commission Chairman Michael Aguinaldo
-Judge Jayson Rodenas
-Sandiganbayan Justice Michael Musngi
-CHR Commissioner Beda Epres
-Justice Bautista Corpin
-Deputy Executive Secretary Lisa Logan
-Usec. Romeo Benitez
-Chairperson Felix Reyes
-Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg
-PDP-Laban Secretary-General Atty. Melvin Matibag
-Judge Benjamin Turgano (ret.)
-Atty. Jonie Caroche

Nakatakdang isalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga aspirante sa Hulyo 30 at 31, at Agosto 1 at 4.

Ang mga mapapabilang sa shortlist ng JBC ang siyang isusumite sa Malacañang para pagpilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, ang mapipiling hepe ng Ombudsman ay mayroong pitong taong termino. (CHRISTIAN DALE)

234

Related posts

Leave a Comment