Importante sa katawan ng tao ang maglabas ng hangin o pag-utot. Normal lang ito na parte ng pagtunaw ng pagkain.
Lahat ng tao sa buong mundo ay umuutot, minsan malakas, minsan walang tunog at ang pinaka-ayaw ng lahat ay ang mabahong utot. Normal naman ang lahat ng ‘yan, mas nakatatakot pa nga kung hindi ka talaga umuutot.
Narito ang limang benepisyo ng pag-utot.
#1 BYE-BYE SA BLOATED NA TIYAN
Kung feeling mo ay bloated ka matapos maparami ang kain, pag-utot ang pinakamabisang pampatanggal niyan. Mawawala ang masamang pakiramdam, parang “magic” lang.
#2 MABUTI ITO SA IYONG COLON
Hindi maganda sa ating katawan ang sobrang hangin, ‘ika nga nila ‘di ba, lahat ng sobra masama. ‘Wag na ‘wag mong pipigilan ang pag-utot dahil maaari pa itong magdulot ng iba pang sakit sa iyong colon.
#3 MAAARING MAGING BABALA
Ang pag-utot ay isa sa mga function ng ating katawan na hinding-hindi maiiwasan ng kahit sino.
Kahit na pinagwawalang-bahala mo ito sa ngayon, habang tumatagal, malalaman mo rin ang kahalagahan nito dahil maaari nitong ma-predict ang mga malalalang sakit, baka kailangan mo na palang magpatingin sa doktor para sigurado.
Ang masangsang na amoy, palagiang pag-utot at ‘di maipaliwanag na sakit sa t’wing umuutot ay maaaring sign ng sakit gaya ng lactose intolerance o mas malala pa ay colon cancer.
#4 MABUTI ANG PAG-AMOY SA UTOT
Oo, tama ang iyong nabasa, maganda sa kalusugan ang pag-amoy sa utot.
Kadiri mang isipin pero napatunayan ito ng mga pag-aaral. May compound kasi na napro-produce kapag umuutot, hydrogen sulfide, na maaaring magprotekta sa ating katawan mula sa mga sakit.
Ang gas na ito ay ‘amoy bugok na itlog’, ang maliit na dose nito ay maaaring maka¬gamot sa napinsalang cells at makapipigil rin sa stroke at heart attack. Pero s’yempre, hinay-hinay lang dahil ang sobrang pag-amoy naman sa utot ay toxic din sa katawan.
#5 MASARAP SA PAKIRAMDAM
Aminin man natin o hindi, masarap sa pakiramdam ang paglabas ng hangin sa katawan. Kung minsan nakahihiya pero kung nasa bahay ka naman, pwede mo naman na sigurong enjoyin ang pag-utot.
Kung nasa labas ka naman, ingat-ingat na lang dahil minsan traydor ang utot, minsan malakas minsan mahina, ngunit laging tandaan na hindi ito dapat pigilan.
Ang pagpipigil ng utot ay maaaring makasira sa iyong mood at magdulot ng pagkairita. Ang paglabas nito ay talaga namang magpapaganda ng buong araw mo.
3357