7-ANYOS MAY 526 NGIPIN

526 NGIPIN

Matinding pananakit sa bandang ibabang bagang at namamaga pa ito. Kalaunan ay mas sumakit pa ang panga ng isang batang pasyente sa India na kanya nang idinadaing. Ito pala ay dahil sa 526 niyang ngipin.

Na-admit ang 7-anyos na bata sa ospital noong nakaraang buwan dahil nasuri ng mga doktor nito sa pamamagitan ng scan at x-ray ang kanyang bibig. Dito nakita na ang bata ay may tinatawag na “abnormal teeth” sa kanyang dental sac o dental follicle.

Ayon kay Dr. Prathiba Ramani, head ng Oral and Maxillofacial Pathology sa Saveetha Dental College and Hostpital, ang bata ay may 526 teeth sa kanyang bibig.

526 NGIPIN-2
Ang x-ray ng bibig ng bata na nagpapakita sa dental sac nito.

Sa dami ng kanyang ngipin, dumaan sa operasyon ang bata. Ang mga ngipin na tinanggal ay kailangan pang pag-aralan ng mga doktor para masiguro pa ang kanilang findings sa kasong ito. Iisa-isahin nilang aaralin ang mga ngipin na binunot.

Sa proseso, nang madiskubre ng dalawang surgeons ang dalawang sac ay tinanggal nila ito mula sa bibig ng bata. Sumunod nito ay tinanggal ng grupo ni Ramani ang lahat ng nasa sac at umabot ito ng apat hanggang limang oras na operasyon. Dito na nakita ang daang dami ng ngipin ng bata.

“There were a toral of 526 teeth ranging from 0.1 millimeters (.004 inches) to 15 millimeter (0.6 inches). Even the smallest piece had a crown, root and enamel coat indicating it was a tooth,” ayon sa doktor sa panayam ng CNN.

Inabot ng tatlong araw bago nakalabas ng ospital ang bata matapos itong dumaan sa operasyon.

Ayon pa sa doktor matinding pananakit at hirap ang dinanas ng pasyente nang hindi pa natatanggal ang mga ngipin nito na sobra-sobra. Ang naturang kondisyon ay tinawag na compound composite odontoma.

Sa naturang kondisyon, hindi pa malinaw ngunit paniwala ng mga doktor na ito ay maaaring genetic o namamana o posible ring dahil sa environmental factors tulad ng radiation.

Pagbabahagi pa ng mga doktor ng bata, ayon umano sa mga magulang nito ay noon pa man ay dumadaing na ang kanilang anak at nakikita na nilang may pamamaga sa panga nito. Dinadala naman nila ito sa dentista noong ito ay edad 3 pa lamang ngunit hirap suriin ng dentista dahil malikot ang bata.

526 NGIPIN-3Ibinahagi naman ni Dr. P. Senthilnathan, isa rin sa naging surgeon ng bata ang proseso ng naging operasyon, “Under general anesthesia, we drilled into the jaw from the top. We did not break the bone from the sides, meaning reconstruction surgery was not required. The sac was removed. You can think of it as a kind of balloon with small pieces inside.”

Mula sa rural area ang bata, kung saan hirap ang mga tao rito sa kaalaman kung paano aalagaan ang kanilang mga ngipin at mahalagang mapatingnan ito sa mga doktor nang regular. Pero dahil sa rural areas marami sa mga tao ay uneducated at hindi kaya ang pagkakaroon ng good dental health.

Sa ngayon ang batang pasyente ay unti-unti nang gumagaling at may healthy count na ito na 21 na ngipin.

Ang normal na dami ng ngipin ng tao na nasa hustong edad ay 32. Ang mga ito ay walong incisors, apat na canines, walong premolars, at 12 molars.

Dinaig ng 7-anyos na may 526 ngipin ang pating kung dami ng ngipin ang pag-uusapan. Ang white shark ay mayroon lamang 50 ngipin.

228

Related posts

Leave a Comment