Ang may akda ng mga libro na si Arthur Casanova ay itinalaga bilang bagong commissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para lengwaheng Tagalog.
Si Casanova na isa ring guro, linggwistiko, at direktor sa teatro ay magsisilbi bilang , full-time commissioner ng pitong taon. Sinundan niya ang National Artist para sa Literatura na si Virgilio Almario.
Bilang may akda , si Casanova ay nakasulat na ng 40 libro. Nakapagdirek siya ng 50 theater production.
Si Casanova ay nakapagtapos ng Bachelor of Secondary Education in Chemistry at Bachelor of Secondary Education in Filipino sa Mindanao State University noong 1982. Noong 1992, natapos niya ang kanyang masters degree sa Education na may specialization sa Filipino Linguistics mula sa Philippine Normal University. Noong 1999, natapos niya ang kanyang doctorate sa Linguistics at Literature mula sa parehong university.
Ang KWF ay official regulating body ng Filipino language at official government institution na may gawain para i-develop, panatilihin at magsulong ng mga iba’t ibang lokal na vernacular ng Pilipinas.
346