Gen. Guillermo Eleazar HANDANG TUMUGON SA BAGONG HAMON

Sa unang pagtungtong pa lamang ni  Gen  Guillermo  Eleazar sa bulwagan ng Senado sa Hunyo 2022, kung sakaling hiranging bagong Senador ng mga botanteng Pilipino itong Mayo, dala nya ang simoy ng bagong pagasa – pagasang hinubog ng katalinuhan at matamang kaisipan, isang buhay na pinuhunanan ng karanasan at kasipagan, isang bago at dalisay na pagkataong pinanday ng katapangan, katapatan at dangal sa sarili

Ang retiradong heneral ay matuwid at tapat – ginagawa ang naayon sa binitawang salita. Bawat kataga ay pinag-iisipan at hindi salat sa kahulugan. Ang ganitong kinalakhan ang naging susi sa kanyang pag-imbulog sa tuktok ng tagumpay – ang pagiging Hepe ng Philippine National Police.

Bago pa rito ay maraming taon nang mahabang preparasyon. Ang pagtatapos na pinakamahusay at pinakamatalino sa elementarya at high school sa kanyang bayan sa Tagkawayan, Quezon, na nagsilbing tuntungan naman sa kanyang pagkatanggap sa Philippine Military Academy kung saan siya nag graduate ng Cum Laude.

Sa Philippine National Police kung saan ginugol ng butihing Heneral ang kanyang 38 taong serbisyo sa larangan ng kapulisan, ipinamalas nya ang kanyang katapangan, katalinuhan at katapatan.

Dito nya nakita at naranasan ang iba’t ibang anyo at estado ng kabuhayan ng kanyang kapwa Pilipino. Dito rin sya namulat sa mga suliranin ng bayan at ang mga inaasam at hinahangad ng ordinaryong mamamayan.

Sa kanyang pagretiro sa PNP, minarapat nyang tumugon sa hamon ng bagong responsilidad. Ang maglingkod sa sambayanang Pilipino bilang isang Senador

Anupa’t ang kanyang Legislative Agenda sa Senado ay makatotohanang larawan ng kanyang mahaba at malawak na ekspiryensa sa buhay.

Ang kanyang mga planong isususog na batas hinggil sa kapayapaan at katahimikan ay bunsod ng kanyang karanasan sa pagiging pulis.

Ang kanyang programa na pang- agrikultura, mga plano para sa mga ordinaryong magsasaka at mangingisda, ay pawang bunsod ng pang-araw niyang karanasan sa bayang tinubuan sa Tagkawayan na isang bayan ng mga mangingisda.

Ang kanyang plano sa mga kabataan ay hango sa nakita nyang mga dahilan nung siya’y isa pang pulis, kung bakit karamihan sa kanila ay nabulid sa krimen, sa droga o gawaing masama. Ito ay udyok ng sobrang kahirapan.

Ang mga planong ito ay natatangi sapagkat ito’y mga ideyang binuo at nabuo nang napakahabang karanasan sa paglilingkod.

Ang kanyang battlecry na “ang SIGA ng Senado”, ang pagkakaron ng sipag at galing, ang kanyang iniaalay sa kanyang Bayan.

Si Gen. Eleazar ay may pusong wagas na maglingkod nang tapat, matuwid at may pagkatakot sa Diyos.  Marapat lamang na siya’y iluklok sa Senado, bilang kapalit ng mga trapo, mga corrupt at mga nahirang na madadakdak, na tunay namang nagpapayaman lang sa poder at pawang mga walang ginagawa.

Ang boto kay Gen. Guillermo Eleazar ay boto para sa isang matuwid, maayos, matahimik at maunlad na Pilipinas.

160

Related posts

Leave a Comment