GUMMY VITAMINS: SAFE AND EFFECTIVE BA?

GUMMY VITAMINS

Nagiging popular hindi lamang sa mga bata ang gummy vitamins.

Mas mataas ang demand nito abroad. Pero maging ang pag-inom ng ganitong uri ng supplement ay inaaral din kung ito ba ay epektibo – sa mga bata man o matanda.

Isa sa mga rason kung bakit pinipili ito ng mga tao ay dahil sa sinasabing “pill fatigue”. Kung marami kang iinuming supplements sa bawat araw lalo na kung may problema ka sa paglunok sa capsules o tablets, ang gummies ang ginugustong opsyon, at iba rin naman ang lasa nito na masarap. Ayon ito sa pag-aaral ng AARP.

Ang bisa ba ng gummy vitamins ay katulad din ng ordinary supplements?

Mas mahirap ang gumawa ng gummies kumpara sa mga capsule o tablets. Ayon iyan kay Dr. Tod Cooperman, president ng ConsumerLab.com, isang private company na nagsasagawa ng safety at quality testing ng consumer products.

Sa kanilang 2017 supplement analysis, napag-alaman nilang apat sa limang gummy products ay naglalaman ng more or less kumpara sa listed amounts ng ingredients nito.

“Many companies seem to have trouble controlling the amounts of ingredients in each gummy,” ani Cooperman. Kaya para masolusyunan ito, may ibang gummy makers na nag-i-spray ng vitamins at nutrients sa outside surface ng finished candies – bilang coating.

May nasilip ding issue sa ganitong uri ng supplement, ang stability nito. Ibig sabihin ay pwedeng mawala ang potency o effectiveness ng gummies katagalan. “This leads some manufacturers to put in a lot more of certain vitamins than labeled to ensure the product provides at least 100% of the labeled amounts throughout its shelf life,” paliwanag pa ni Cooperman. Maganda man itong pakinggan, may reports ding nagsasabi na ang excessive nutrients intakes ay masama rin sa kalusugan, kabilang na rito ang elevated risk para sa ibang uri ng cancers.

May napag-alaman pa ang ConsumerLab.com sa kanilang analysis na, “Few gummies contain iron, which has a metallic taste that’s difficult to mask. This is especially worth highlighting for pregnant women, who are often advised to take an iron supplement to lower the risk for preterm birth and other complications.”

Pero ang naturang analysis ay hindi naman masama; dahil may ibang gummies – kabilang ang kid gummies na pasado sa testing.

Pero payo ng doktor, hindi naman dapat ma-hook sa pagkuha ng nutrients in sugary forms. Ang gummies ay may asukal – isa o mahigit pang gramo ng asukal per gummy. Isipin na lang kung kailangan mong uminom ng multiple gummy supplements a day – kung saan marami sa mga ito ang nagre-require na mag-take ng dalawa hanggang tatlong gummies para makuha ang full dose ng nutrients – mas maraming maiipong asukal nito sa katawan.

Kaya, mas pinapayo ng mga doktor ang kumain ng mga tunay na pagkaing mayaman sa bitamina at talagang may nutrisyon. “Supplement can’t replicate all of the nutrients and benefits of whole foods,” ayon sa Mayo Clinic. Ito ay dahil na rin sa maraming supplements sa merkado ang hindi naman talaga dumaan sa masusing pagsusuri.

573

Related posts

Leave a Comment