(NI MELL T. NAVARRO)
BREAKING NEWS! As we go to press kahapon, kapapasok pa lang ng magandang balita na ang Pinoy psychological thriller na Watch Me Kill na pinagbibidahan ni Jean Garcia ay officially selected as a film in competition sa prestigious na Warsaw International Film Festival sa Poland ngayong Oktubre 2019!
Bago pa man napiling official finalist ang Watch Me Kill (produced, written, and directed by Tyrone Acierto) sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 ay sinubukang isumite ng Chicago-based Fil-Am director na si Direk Tye (his nickname) ang kanyang finished film material in consideration for various international filmfests, at finally ay nakasungkit din ang produksyon – pasok ito sa Poland filmfest!
Ang Warsaw IFF ay considered na isa sa A-List international filmfests sa buong mundo at previous years ay may ibang mga pelikulang Pinoy na rin ang nakakapasok sa said filmfest at napapansin na rin.
Mula nang matanggap ni Direk Tyrone ang formal letter from Warsaw Filmfest ay masaya rin niya itong ibinalita sa FDCP Chairperson na si Liza Diño-Seguerra, the brains behind PPP, to be held September 13-18, at ito syempre ang Philippine premiere ng Watch Me Kill, at sa Poland nga ito magaganap!
Ang 35th Warsaw International Film Festival ay gaganapin sa October 11-20, at sa Free Spirit Competition section nakapasok ang pelikulang Pinoy na ito, na nakatakdang lumaban sa iba’t ibang entries mula sa ibang bansa.
Ganoon na lamang ang tuwa ni Chair Liza at nagparating ito ng congratulatory message kay Direk Tyrone. And as always ay in full support ang FDCP sa anumang Pinoy film ang nakakapasok sa prestigious international filmfests sa buong mundo.
Perfect timing rin nga ito dahil ang PPP ay in celebration sa 100 Years of Philippine Cinema at ang pagkakapasok ng isang PPP 2019 finalist sa Poland ay isang masayang balita para sa pamunuan ng FDCP, and to the movie industry in general.
Walang kasingsaya rin syempre ang lead actress ng Watch Me Kill na si Jean Garcia, sampu ng iba pang nasa cast like Jay Manalo, Junyka Santarin, Rodolfo Muyuela, Althea Vega, Bodjie Pascua at iba pa sa good news na ito.
Congrats to team Watch Me Kill for this great news!
###
Speaking of PPP 2019, ibang klaseng paghahanda ang isinasagawa ng buong FDCP team na walang tigil ang preparation mula noong selection pa lang ng finalists nitong July – hanggang September sa big events.
Grabe ang line up of calendar of activities ng PPP. Nandiyan ang regional mall shows (campus tour and mall tour) sa Davao and Cebu (divided ang films) sa early August, ang all-star promo sa August 17 sa Marquee Mall sa Pampanga.
Nandiyan din ang PPP Grand Fans Day sa August 31 sa SMX Convention Center na kung saan may kanya-kanyang booths ang lahat ng 10 entries at kanya-kanyang “gimik” – kung saan puwedeng mag-participate at makisaya ang fans with the stars of each film.
Then, sa September 8 ay ang “Living Legends” event na gaganapin sa Elements sa Centris (Quezon City) na isang bonggang event tribute sa legendary icons ng Philippine Cinema.
On September 12 ang “Sine Sandaan” sa New Frontier Theater sa Cubao na siyang mismong opening ceremonies ng PPP, isang bonggang red carpet celebration ito to present all the film finalists.
May film industry conference din sa September 13-15 sa Novotel.
Lastly ay ang Awards Night o ang Gabi ng Pasasalamat (na first time sa PPP) sa September 15 sa One Esplanade sa Pasay City.
True to her mission and vision, gagawin ni Liza at ng kanyang FDCP team ang lahat upang maging memorable at extra special ang PPP ngayong taon dahil nga sa centennial celebration ng Pelikulang Pilipino! Cheers!
142