IHING MADILAW, NORMAL BA?

IHING MADILAW

Kung normal ang ating ihi o regular ang pag-ihi natin, siguro ay wala tayong dapat ipag-alala. Pero kapag ang kulay na ng ihi ang pinag-uusapan, may mga bagay siguro tayong dapat na ikonsidera.

May indikasyon ba kapag ang kulay ng ihi natin ay kulay dilaw, madilaw o masyadong maitim ang pagkadilaw?

Ang kulay talaga ng ihi natin ay mula maputlang dilaw hanggang sa magkulay dark amber (isang substance na pinoprodyus ng puno).

Ang isang indikasyon ng pagkakaroon ng madilaw na ihi ay ang kakulangan ng tubig sa katawan. Ito ay sanhi ng pigment urochrome, na kilala rin sa tawag na urobilin.

Ang dami ng fluid natin sa katawan ay nagreresulta rin sa kulay ng ating ihi.

Kapag may sapat na fluid intake tayo (hydrated) mas naroon ang tendency na nagiging malinaw ang ating ihi.

Nag-iiba rin ang kulay ng ating ihi depende rin sa ating mga kinakain at sa iniinom na (mga) gamot. Ang ganitong mga sitwasyon ay standard lamang o normal at hindi naman talaga pangmatagalan.

MAY DAPAT BANG IPAG-ALALA SA MADILAW NA IHI?

Kapag napapansin nating iba na ang pagkadilaw ng ating ihi lalo na kung ito ay matapang o mapanghi ang amoy ay maaaring ikaw ay may ibang medical condition.

Kapag wala na sa yellow spectrum ang ihi at cloudy ito, mabula, o may pagka-brown ay dapat nang humingi ng tulong o magpakonsulta sa doktor.

wee weeANO ANG NORMAL NA KULAY NG IHI?

Ang bawat isa sa atin ay iba-iba ang “pagka-normal” pagdating sa kulay ng ihi, pero dapat nasa yellow spectrum ito.

Ang dami ng tubig na ating iniinom ay nakakaapekto sa kulay ng ihi kung ito ay maputlang pagkadilaw o dark amber.

Kapag kulang ang tubig sa ating katawan, asahan na mas brown ang kulay ng ihi.

DIET, VITAMINS, AND MINERALS

Gaya ng nasabi natin sa itaas, ang pagkain ay may epekto sa kulay ng ihi. Ang pag-intake rin ng mga bitamina, minerals ay may impluwensya rin sa kulay ng ihi.

Tandaan natin na ang kulay ng all-natural food (tulad halimbawa ng berries at beets) ay nakaka-interact sa pigment o kulay upang makalikha ng kakaibang kulay.

Ang mga heavily processed food ay naglalaman din ng mataas na amounts ng food dye. Ang dye na ito ay mag-i-interact din sa pigment.

VITAMINS-1Ang B vitamins, tulad ng riboflavin (B-2) at cobalamin (B-12), ay kilala rin upang ang ihi ay maging fluorescent yellow-green.

Kapag umiinom tayo ng supplements or multivitamins, maaari itong maging source ng pagka-bright ng kulay ng ihi.

Ang meal replacement shakes, na siksik din sa B vitamins, ay maaari ring parehas ang epekto sa ihi.

Ang excess beta carotene o vitamin C ay magdudulot din ng pagkatingkad ng kulay ng ihi – dark orange o dark yellow. Samantala, ang beta carotene, na converted sa vitamin A sa ating katawan, ay matatagpuan sa yellow at orange na mga pagkain tulad ng carrots at sweet potatoes o kamote.

Bilang karagdagan sa citrus fruits, ang vitamin C ay matatagpuan din sa mga pagkaing tulad ng mga kamatis, strawberries, at broccoli.

IBA PANG DAHILAN NG KULAY NG IHI

wee wee2Kung hindi ka properly hydrated matapos ang intense workout mo o pag-eehersisyo, ang epekto nito ay dehydration agad. Natural ding maaapektuhan ang kulay ng ihi. Posible ring makaranas ka rito ng muscle breakdown. Dito ay makararanas ka ng muscle pain at pagkakaroon ng cola o tea-colored urine. Kapag ito na ang naranasan, kailangan nang humingi ng tulong sa doktor.

Kapag mayroon ka namang bright-yellow na ihi, maaaring senyales ito ng pagbubuntis.

5293

Related posts

Leave a Comment