JAPANESE ENSEMBLE MAGTATANGHAL SA CCP

JAPANESE ENSEMBLE

Sa ikatlong concert ng 37th season ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), itatampok dito ang SORA Ensemble of Japan sa Nobyembre 15 sa ilalim ng baton ng PPO music director at principal conductor na si Yoshikazu Fukumura.

Ang okasyon ito ay gaganapin sa Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo) ng Cultural Center of the Philippines sa ganap na alas-8:00 ng gabi.

Ang programa ay kinabibilangan ng Dmitri Shostakovich’s Symphony no.9 op.70, Franz Joseph Haydn’s Sinfonia Concertante op. 84 in B-flat Major at dalawang obra nina Arturo Marquez, Danzon no.7 at Danzon no.8.

Ang grupo, na kinabibilangan ng oboe player na si Hiromasa Iwasaki, bassoonist Rei Ishiguro, violinist Kana Kobayashi at cellist Keiichi Yamada, ay binuo ni Hiromasa Iwasaki, ang principal oboist ng Sapporo Symphony Orchestra at young musicians noong 2008.

Ang halaga ng mga ticket ay P1,500/, 200/800/500/400 na may discounts para sa students, senior citizens at mga grupo. Sa detalye, tumawag sa CCP Box Office at 8832-3704.

129

Related posts

Leave a Comment