OTOP.PH PROGRAMANG DAPAT SUPORTAHAN

Malamang pamilyar na ang marami sa atin sa One Town, One Product (OTOP) Philippines.

Ito ay isang priority stimulus program para sa micro, small at medium-scale enterprises (MSMEs) bilang pakikibahagi ng pamahalaan para mapagana at lumago ang lokal na ekonomiya.

Ang programa ay nagtutulak sa mga lokalidad at komunidad upang madetermina, mapaganda, masu-portahan, at ma-promote ang mga produkto at mga serbisyo na nasa local culture. Ito ay para mag-bigay din ng community resource, creativity, connection, at competitive advantage. Sa kani-kanilang “pride-of-place”, ito ang mga offering kung saan sila ay mas aangat at mas makikilala pa.

Dito makikita nang husto ang ating pagiging “OTOPpreneurs” upang ma­ging moderno at makalikha ng market-ready products at maging sa iba’t ibang serbisyo.

Ang OTOP ay isang international program na orihinal na nagmula sa Japan sa kanilang One Village, One Product.

OTOP_PH_2Samantala, mayroon ding OTOP Philippines Hub or OTOP.PH na isang retail store o spaces kung saan ang mga produkto sa One Town One Product offerings ay matatagpuan.

Ang one-stop shops na ito ay nagbibigay ng isang general outlet para sa quality OTOP merchandise ba-go sila mag-level up sa premium market na inoorganisa ng Go Lokal at iba pang high-end market plat-forms.

Bilang isang one-stop shot, ang OTOP Philippines Hub ay maaaring isang redesigned pasalubong center na mas higit na nagpapakita ng OTOP products kabilang ang OTOP mula sa iba pang regions.

Ang hub na ito ay kadalasang makikita sa airports, terminals, pasalubong centers, tourists spots, Nego-syo Centers, public markets, at iba pang consumer-frequented locations katulad ng malls. Bilang ka-ragdagang flagship market access program ng Department of Trade and Industry, ito ay nagsisilbing isang marketing vehicle at incubation platform upang ma-promote at mapagtagumpayan ang OTOP products.

Sa ngayon ang OTOP.PH ay mayroon nang 23 sa buong bansa. Inaasahan ng DTI na masusuportahan ito ng publiko.

Sa mga nais makibahagi o may katanu­ngan, tumawag lamang sa DTI local offices na malapit sa inyo o mag-email sa: otop@dti.gov.ph

289

Related posts

Leave a Comment