Sa 4 branches ng Eurotel HALLOWEEN PARTY MAGKAKASABAY IPINAGDIWANG

Magkakasabay na ipinagdiwang ng apat na branches ng Eurotel Hotel sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila ang Halloween Party noong nakaraang Oktubre 26, 2024.

Kabilang sa branches na nakiisa sa okasyon ay ang Eurotel North EDSA, Eurotel Cubao, pawang ng Quezon City; Eurotel Makati City at Eurotel Las Pinas.

Ito ay dinaluhan ng daan-daang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na nakasuot ng damit na may kinalaman sa nalalapit na Piyesta ng mga Patay (All Saints’ Day).

Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Ms. Anna Mariel Quinto, Advertising & Promotion Manager ng Eurotel nagpapasalamat siya sa mga magulang kasama ng kanilang mga anak na nakiisa sa Halloween Party ng ibat-ibang branches ng Eurotel.

Ayon pa sa kanya, natutuwa siya dahil nung nakaraang taon ay umabot lamang sa 80-90 participants katao ang nakiisa sa Halloween Party sa Eurotel subalit ngayon ay umabot na ng 170-180.

Anya, overwelming kami sa daming umattend ngayon na halos doble ang bilang kung ikukumpara nung nakaraang taon.

Sinabi pa niya na tinanong nila ang participants overwelming naman sila dahil nag-eenjoy sila, okey naman daw ang food.

“Sobrang dami po talaga nila, halos lahat ng upuan ay occupied, actually tinatanong namin ang participants kung first timer o second timer sila, mostly second timer sila, last year umulit sila ngayon, may natanong kami sa participants sinabi nama nila na sulit naman daw sila,” dagdag pa niya.

Mensahe pa niya, sa participants nila sa parents at kids, nagpapasalamat po kami from Eurotel family kasi po tinatangkilik nila tayo hanggang ngayon.

Binanggit pa niya, na hopefully next year nandito pa rin po sila para i-support yung activities natin, hopefully nag-eenjoy po sila sa ating activities.

Dahil dito, taon-taon na gagawin nila ang okasyon dahil overwelming ang support ng participants natin.

Idinagdag pa ni Miss Quinto na ang kanilang okasyon ay maaaring makasali ang 10-anyos pababa para sa kids category at maging ang 11-anyos pataas ay maaaring makiisa.

Ayon naman kay Mommy Justine del Rosario ng Bocaue, Bulacan first time nilang nakasali sa Halloween Party ng Eurotel North EDSA, Quezon City kasama ng anak niyang si Kitty, 9-anyos at Grade 4 pupil.

Sinabi niya na sana maging masaya ang kanyang anak (Kitty) sa pagsama sa nasabing okasyon.

Ayon pa sa kanya, sa susunod na taon ay paghahandaan niya at pag-iisipan niya ang isusuot na custome ng kanyang anak.

Kasabay nito, may mensahe si Mommy Justine sa kapwa niyang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak tulad ng pagsuporta niya sa kanyang anak.

(Joel O. Amongo)

135

Related posts

Leave a Comment