Muling ipalalabas sa Cultural Center of the Philippines ang documentary na “The Kingmaker” ni award-winning filmmaker Lauren Greenfield sa Pebrero 19.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-34 anibersaryo ng EDSA People Power Uprising ngayong Pebrero, ang “The Kingmaker” ay magkakaroon ng simultaneous screenings sa Tanghalang Aurelio Tolentino at Tanghalang Manuel Conde.
Ang screening ay sa ganap na hapon ng ala-1:30 at alas-4:00 at sa gabi ng alas-6:00 at alas-9:00. Magkakaroon din ng isang panel discussion sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Gayundin, ang CCP ay magbibigay ng block screening sa ganap na alas-10:00 ng umaga, tumawag lamang sa Sales and Promotions Division sa numerong 8832-3706 o mag-email sa ccpsalesandpromo@gmail.com.
Ang 100-minute documentary ay nakatutok sa disturbing legacy ng rehimeng Marcos at sumusuri sa hindi maisasakatuparang pagbabalik sa kapangyarihan ng pamilyang Marcos sa bansa.
Ang naturang pelikula ay nakatuon sa kasalukuyang buhay ni Imelda kung saan tinutulungan niyang tumakbo ang kanyang anak na si Bongbong na maging bise-presidente. “In an age when fake news impacts elections, Imelda’s comeback story is a cautionary tale,” ani Greenfield. Ito ang Philippine premiere sa CCP noong Enero 29 kung saan humakot ng overwhelming public response, na may mahigit 1,200 bilang ng audience. Ang moderated panel discussion ay dinaluhan ng tinatayang 400 katao.
Ang documentary na ito ay nagkaroon ng world premiere sa nakaraang 2019 Venice Film Festival, sinundan pa ng screenings sa 2019 Telluride Film Festival, Toronto, at London Film Festivals. Kinilalang unang documentary na inanyayahan sa lahat ng apat na kinikilalang festivals, ang pelikulang ito ay umani na ng isang
Writers Guild Nomination, gayundin ang tatlong Critics Choice Nominations at Critics Choice honor para sa pagkilalang “Most Compelling Living Subject of a Documentary.”
Tinawag ng the New York Times bilang “America’s foremost visual chronicler of the plutocracy,” ang Emmy Award–winning filmmaker/photographer na si Lauren Greenfield ay nakapag-produce ng groundbreaking work on consumerism, youth culture, at gender para sa nakalipas na for 25 taon. Ang kanyang “Generation Wealth,” “The Queen of Versailles,” at “Thin,” ang kanyang viral commercial #LikeaGirl, at ang kanyang photography books na “Generation Wealth,” “Fast Forward,” at “Girl Culture” ay nakasungkit ng hindi mabilang na awards at nag-provoke sa international dialogue tungkol sa napakahalagang issues sa panahon na ito.
Ang screening ng The Kingmaker ay nasa ilalim ng Cinemulat, isang CCP Arthouse Cinema program na nagpapakita ng mga pelikulang iikot sa kahalagahan ng buhay, social, political at cultural events na humulma sa bansa at humulma sa filmmakers, sa kanilang sining at spectators.
Para sa iba pang detalye, tumawag sa CCP Film, Broadcast and New Media Division sa 8832-1125, local 1705 at 1712. Para sa ticket inquiries, tumawag sa CCP Box Office sa 8832-3704, o TicketWorld sa 8891-9999. Bisitahin ang official CCP social media accounts at website (www.culturalcenter.gov.ph).