(Ni ANN ESTERNON)
Masyadong busy ang buhay ng mga tao ngayon at malamang isa ka sa kanila na para bang laging naghahanap pa ng ekstrang oras para sa sarili.
Stressful man ang buhay mo o hindi ay kailangang may oras ka para sa iyong sarili para sa mga susunod na araw ay driven o productive ka muli.
Kung mayroon mang tao na special ikaw dapat ‘yon at deserving ka na maging masaya at maramdaman mo talaga ito.
REWARD YOURSELF
Paminsan-minsan kailangang mayroon kang “me time” na dapat ikaw lang ang lalabas mag-isa para ito sa self-discovery mo rin o rediscovery.
Ang reward na iyan ay small moment mo para makawala rin sa totoong galaw ng buhay na araw-araw ay ‘yon na lamang. Small moment mo ito na parang freedom pero may exceptional at long time effect sa buo mong pagkatao.
Wala rin namang problema kung may isasama ka sa “freedom moment” mo ang mahalaga ay mag-enjoy ka nang husto.
Kumain, mamasyal sa mall, park, museum at kung saan-saan pa.
Malaking puntos din na mayroon kang bilhing bagay para sa sarili mo na hindi mo naman pagsisisihan ang presyo nito sa huli. Gawin mo ito kahit isang beses sa isang buwan o kaya ay quarterly. Reward mo iyan sa sarili mo lalo na kung halos araw-araw kang nagtatrabaho at isang araw lang ang pahinga mo. Dapat gawin mo rin iyan lalo na kung masyado kang stressed sa trabaho o sa bahay.
Kung may isang araw ka lamang na off, minsan ay huwag mo nang ubusin ito sa gawaing bahay, pagtatrabaho ng advance mula sa office work, at iba pa. Ang day off na iyan ay ilaan mo na para sa sarili mo na wala kang ibang gagawin kundi mag-unwind na lamang o gawing rest day talaga ito.
Ito pa ang ilang mga paraan para mabigyan ng reward ang iyong sarili:
– Ang pagbili ng isang damit, accessory o gadget, at iba pa para sa sarili ay malaking prize na para makita mo rin ang pinagsisikapan mo sa buhay at ikaw ay mahalaga. Simpleng bagay lang iyan pero ang epekto ay iba rin naman dahil naroon ang punto na hindi mo kinakalimutan ang iyong sarili. Huwag nang isipin pa ang sasabihin ng iba sa iyo sa reward mo na iyan sa iyong sarili. Ito ay hindi dahil sa pera mo naman ang iyong gagamitin kundi buhay mo naman iyan at mahalaga ka sa sarili mo.
– Pagpunta at pagkain sa restaurant. Once in a while, hindi naman masama na magtungo ka rito at i-treat ang sarili sa pagkaing gusto mo o gusto mong i-discover.
– Magpamasahe ka. Simpleng treat lang ito sa iyong sarili na hindi magastos pero beneficial sa iyong katawan, isipan at kalusugan. Kailangan mo iyan lalo na kung babad ka sa trabaho.
– Magkaroon ng oras sa pets. Kung sa iyo naman ang aso o pusa pwede kayong magpunta sa park o beach at maglaro, mag-relax or bonding na tinatawag.
– Makipagkumustahan kasama ang mga malalapit na mga kaibigan lalo na ang mga taong hindi mo madalas makita pero mga positibo sa buhay at magaang kasama.
– Manood sa big screen. Mag-isa ka man o may kasama ay walang problema ang magpunta sa sinehan lalo na kung bibihira mo naman itong gawin.
– Magluto bilang discovery. May enjoyment sa pagluluto lalo na kung mahilig kang kumain. Gawin ito minsan kahit pa magsisimula ka pa lamang matutong magluto na may guide mula sa Youtube o recipe books.
Gawin mo ang reward na ito sa iyong sarili, wala namang ibang unang dapat magpahalaga at magmahal sa sarili mo kung hindi ikaw lang. Huwag iasa sa iba ang happiness na kaya at dapat na unang manggaling sa iyo. Pagpapakita iyan na hindi mo kinakalimutan ang sarili mo at alam kung paano mo i-prioritize ang sarili sa gitna ng masyadong abala o problemadong buhay.
310