TSOKOLATE, MABUTI SA PUSO

TSOKOLATE-2

“Huwag masyadong kumain ng tsokolate dahil masama ‘yan sa ‘yong kalusugan!”

‘Yan ang paulit-ulit na paalala ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil sa sobrang hilig sa tsokolate.

Talaga naman kasing nakaaadik ang tsokolate na kapag nasimulan mo na ito, hindi mo na mapipigilang tumigil pa. Oo nga’t masama ito, ngunit sa tamang dami, tiyak na makabubuti ito sa ating puso.

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkain ng tsokolate nang ‘mode­rately’ o paminsan-minsan ay nakabababa ng tiyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Mayroon kasing compound ang cocoa na flavonoids na makatutulong sa pag-reduce ng heart inflammation pati na ng pagpapabuti sa ating blood vessels.

Pinagbasehan ng pinakabagong pag-aaral, inilathala nitong Martes, August 28, 2018, ang lima pang pag-aaral at inobserbahan ang nasa 575,852 indibidwal.

Dito natuklasan na ang pagkain ng isa hanggang tatlong bar ng tsokolate sa isang buwan ay nakababawas ng heart failure nang nasa 28%. Gayunpaman, ang pagkain ng mara­ming tsokolate ay nakapagtataas ng tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso ng 17%.

Sinasabi sa pag-aaral na hindi masama ang pagkain ng tsokolate ngunit kailangan itong limitahan.

“Chocolate may have high levels of saturated fats,” ayon kay Dr. Cha­yakrit Krittanawong, isa sa mga researcher sa pag-aaral. “I would say moderate dark chocolate consumption is good for health.”

321

Related posts

Leave a Comment