ITUTULOY ng powerful BTS group sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpupursige na mapag-usapan ang 10K or 1,500 per person Ayuda bill.
Ito ay kahit may ipinalabas nang kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pamamahagi ng hindi lalampas sa P4k per person na assistance.
Ayon kay dating House Speaker at Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, nagpapasalamat sila sampu ng mga kasamahan nito sa Kongreso sa ginagawa ng pangulo subalit ang nais ng BTS group ay magkaroon ng special session at mapag-usapan mismo sa floor upang mabigyang linaw ang magkaibang sinasabi ng dalawang panig sa Kamara na ang isa ay nagsasabing wala nang pagkukunan ng pera habang sa kabilang panig ay meron kung kaya’t dapat lang na sumang-ayon ang kasalukuyang pamunuan sa hiling ng BTS.
“Sa hearing, mapapakita po natin na ang mga kapitbahay natin sa Southeast Asia, ang Malaysia, Vietnam, Thailand, Indonesia, kung anong ginawa nila, mapapakita rin ang Korea, US at Japan. Yung pinakamabisang stimulus o yung direct stimulus, yung sa tao mo ibibigay ang pera,” pahayag ni Cayetano.
Sinabi ng dating House Speaker na ang mangyayari sa Taguig ay hybrid. “Ang local government po ay namimigay ng food packs at pagkatapos po, yung galing sa national government, yung 4,000 per family, mag-uumpisa naman bukas,” aniya.
“Well, we cant be doing the same thing and then expecting different results. Hindi puwedeng panay one size fits all ang ating solusyon. May mga best practices all over the world. So halimbawa, tulad ng sinasabi nila, sa ibang bansa, may ganitong wave doon, pero may mga bansa na ngayon pa lang walang face-to-face na klase, ang problema, hindi natin hinihimay ang problema, ang nangyayari, parang maraming pasaway,” saad pa ng mambabatas. (CESAR BARQUILLA)
