1st QC 10-Ball Open championship ALCANO–RAGA MATIRA, MATIBAY

SINA 2006 WPA World 9-Ball at 2007 WPA World 8-Ball champion Ronato Alcano at Anton Raga ang ‘last men standing’ sa 1st Quezon City 10-Ball Open sa Hard Times Sports Bar, nasabing lungsod.

Kinailangan ni Alcano na lampasan ang kapwa naging miyembro ng national team na si Roberto Gomez, 9-6, upang okupahan ang isa sa apat na silya sa isang linggong torneo.

Ginulantang naman ng 18-anyos na si Kyle Amoroto ang tinanghal na 2002 Busan Asian Games 9-Ball doubles gold medalist na si Antonio “Nikoy” Lining sa pagtala ng 9-6 panalo upang makasampa sa semifinals.

Tinalo ni Anton Raga ang nakatapat na si ­Gregory Dira sa iskor na 9-4, habang pinatalsik ni Jericho Banares si Jeffrey Ignacio sa iskor na 9-4 upang kumpletuhin ang apat na silya sa semis.

Sa huli, sina Alcano at Raga ang natira sa kabuuang 64 kalahok na magla-laban para sa top prize na P250,000 cash, habang P100,000 sa runner-up. (ANN ENCARNACION)

64

Related posts

Leave a Comment