MULING nagreyna si Shagne Yaoyao sa women’s elite XCO sa UCI Asia Mountain Bike Series sa ikalawang sunod na taon.
Nakuha ng Cebuano na si Yaoyao ang ikalimang pwesto sa huling bahagi ng leg sa Danao City, ngunit ang kanyang kahanga-hangang pagganap sa mga naunang yugto ng pinagsamang 11 legs ng Continental at Asia MTB series ang nagbigay sa kanya ng pangkalahatang kampeonato.
Nanguna siya sa Kabibo Banjak Alegria leg sa Alegria, Surigao del Norte noong Hunyo at sa penultimate leg sa Kumamoto, Japan noong Oktubre. Nakatulong din ang kanyang runner-up finish sa Siol, Malaysia noong Agosto.
Si Yaoyao din ang nanalo noong 2025 UCI at patuloy ang kanyang pagsisikap upang maging kwalipikado sa 2028 Los Angeles Olympics. (Ann Encarnacion)
41 