2019 LE TOUR DE FILIPINAS CROWN IBUBULSA NI FELIPE

tour12

(NI JEAN MALANUM)

PIPILITIN ni Marcelo Felipe ng 7-Eleven Cliqq Air 21 Roadbike Philippines na makuha ang titulo sa Le Tour de Filipinas na nakatakdang ganapin sa Hunyo.

Ito ang ika-10 edisyon ng Le Tour de Filipinas na binigyan ng 2.2 category ng Union Cycliste Internationale (UCI) o International Cycling Federation.

“Maganda kung makukuha ko ang kampeo­nato. Gagawin ko ang lahat para manalo,” sabi ng 29-taong gulang na si Marcelo na tubong-Llanera, Nueva Ecija, sa Le Tour de Filipinas press conference sa Passion Restaurant, Resorts World Manila.

Kababalik lang galing Subic ni Marcelo kung saan itinanghal siyang champion sa overall general classification, Best Filipino Rider at King of the Mountain categories ng PRURide PH, isa ring UCI-sanctioned 2.2 event.

Apat na local at 11 international teams ang lalahok sa Le Tour de Filipinas na magsisimula sa Hunyo 14 para sa 129.50-kilometer Stage 1 (Tagaytay-Tagaytay).

Ang Stage 2 mula Pagbilao, Quezon hanggang Daet, Camarines Norte ay may sukat na 194.90 ki­lometers. Mula Daet ay tatahakin ng mga siklista ang 183.70 kilometers na ruta patungo sa Stage 3 finish line sa Legazpi City, Albay.

Ang Stage 4 ay isang 176 kilometers na karera mula Legazpi City papunta sa bayan ng Sorsogon at Gubat sa Sorsogon pabalik sa Legazpi City.

Ang 145.80 kilometers na Stage 5 naman ay mula Legazpi City balikan pero dadaan sa Donsol, Sorsogon.

“Mas matindi ang mga challenges na haharapin ng mga siklista natin ngayon kaya talagang magpapakitang-gilas sila sa isa’t isa,” sabi ni Donna May Lina, chairman ng Le Tour de Fi­lipinas.

Makalilikom ng UCI points ang mga kasali sa Le Tour de Filipinas na isa sa mga tournaments na magsisilbing batayan sa pagpili kung sino ang isasabak sa 30th SEA Games.

Si El Joshua Carino ng Philippine Navy Standard Insurance ang defending champion ng Le Tour de Fi­lipinas. Siya ang pangatlong Filipino na kampeon ng karera pagkatapos nina Baler Ravina (2012) at Mark John Lexer Galedo (2014).

Ang dalawa pang local teams na kalahok sa Le Tour de Filipinas ay  Go For Gold at Bike X Philippines.

 

128

Related posts

Leave a Comment