(NI JEAN MALANUM)
NILAGDAAN kahapon ang tripartite agreement sa pagitan ng Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa matagumpay na hosting ng biennial tournament.
Ang mga pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) na nagtatalaga ng mga responsibilidad ng bawat entities ay sina POC chairman Steve Hontiveros at president Cong. Abraham “Bambol” Tolentino, PSC chairman William “Butch” Ramirez at PHISGOC chief operating officer Ramon “Tats” Suzara.
“The provisions in the MOA clearly define the role each entity play with regards to the 30th SEA Games hosting,” pahayag ni Ramirez sa press conference na ginawa pagkatapos ng signing ceremony sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.
Bilang original franchisee ng SEA Games, babantayan ng POC ang performance ng mga obligasyon ng PHISGOC ayon sa kasunduan.
Ang PSC ang maglalaan ng pondo sa lahat ng kailangang gastusan ng PHISGOC.
Responsibilidad naman ng PHISGOC ang actual preparation, organization, management at execution ng 30th SEA Games.
Sinabi ni Tolentino na bagama’t medyo huli na ang MOA signing, tama lang na maging malinaw ang tungkulin ng bawa’t isa.
Dumalo rin sa MOA signing sina POC treasurer Julian Camacho and board members Cynthia Carrion, Jonne Go at PSC commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Charles Maxey.
156