CHOCO MUCHO, WAGI SA DEBUT

mucho55

(PHOTO BY MJ ROMERO)

PINANGUNAHAN ni Ateneo standout Kat Tolentino ang debut game ng koponang Choco Mucho kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, sa pamamagitan ng straight sets win laban sa BaliPure, 25-12, 25-18, 25-18, sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Si Tolentino ay nagsumite ng 14 points mula sa 10 kills, two blocks at two aces, para itala ng Flying Titans ang magaang na panalo laban sa Water Defenders.

Ito ang ika-11 sunod na talo ng Balipure, matapos ang 10-0 sa Reinforced Conference.

Nag-ambag naman si Maddie Madayag ng 11 points mula sa seven spikes, three aces at block, habang si Bang Pineda ay nagdagdag ng eight points. Si Acy Masangkay ay hindi naawat sa kanyang 18 excellent sets, kasama ang 13 digs at two markers.

Nagbalik din sa aksyon si former La Salle star Manilla Santos-Ng matapos ang sampung taon, kung saan agad siyang nakagawa ng service ace sa first set.

Hindi nagawang sumabay ng Water Defenders, nang makakuha pa ng 28 errors.

May tig-9 na puntos lang para sa BaliPure sina Menchie Tubiera at Grazille Bombita.

 

87

Related posts

Leave a Comment