Curry natawagan ng ‘T’ GALIT BINUNTON SA CLIPPERS

MATAPOS matawagan ng ‘T’, ibinuhos ni Stephen Curry ang galit sa Los Angeles Clippers.

Ang oras, 9:08 sa fourth quarter nang pituhan ang Golden State Warriors star ng technical foul. Makaraan nito, iniskor niya ang 11 ng kanyang 33 points para durugin ang Clippers 105-90, at i-extend sa walong sunod ang winning streak, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Staples Center.

“It was just an accumulation of all types of weird stuff. All that led into where I thought I got a foul,” komento ni Curry, mayroon ding season-high six steals, five rebounds at six assists. “It definitely fired me and the team up. After that it was time to direct my energy into putting the ball in the basket.”

Napikon si Curry nang walang itinawag na foul nang mag-drive siya sa basket at makakuha ng kontak kay Clippers guard Terance Mann.

Nahulaan na agad ni coach Steve Kerr na makakakuha ng technical si Curry nang dumeretso ito sa official at nag-pump fist.

“That was as upsetting as I’ve seen him and that I have been in a long time. He clearly got fouled,” ani Kerr. “When he knows he got fouled on a play like that and he doesn’t call, the competitor will come out on him and he will lose his mind a little bit. But it will spur him like it did in this instance.”

Abante ang Golden State, 79-70, nang magalit si Curry at ­kumamada ang Warriors ng 21-7 run sa halos limang minutong laro kung saan humirit ang player ng tatlong 3-pointers, kasama ang dagger off-balance triple sa right corner, 5:20 pa sa orasan.

Nagdagdag si Otto Porter Jr. ng 18 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Jordan Poole ng 17 points sa Warriors, na umangat sa NBA-best record na 18-2. Sunod na makakaharap ng GSW sa ­Martes ang Phoenix Suns, na mayroon namang 17-3 at 16 winning streak.

Nanguna sa Clippers si Paul George, 30 points, sina Eric Bledsoe at Marcus Morris ay may tig-13 points.

Bago ang laro, ang Clippers ay wagi ng walo sa 10 home games nito.

SMART BIDA SA
CELTICS vs RAPTORS

PINUTOL ng Boston Celtics, sa pangunguna nina Marcus Smart (21 points) at Al Harford (17 points at 11 rebounds) ang two-game losing skid, nang talunin ang short-handed Toronto Raptors, 109-97 sa Toronto.

Nagsumite rin si Josh Richardson ng 18 nang 32 bench points ng Boston. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 16 points at may 15 si Grant Williams para sa ika-11 panalo ng Celtics (10 talo).

Si Jayson Tatum ay 2 for 16 at umiskor lang ng eight points, pero nag-ambag ng seven rebounds at season-high 10 assists.

Top scorer si Fred VanVleet sa Toronto, 27 points, may ambag si Scottie Barnes na 21, at sina Pascal Siakam (18) at Svi Mykhailiuk (12).

Ikaanim na talo ito ng Raptors sa walong laro para sa 9-12 slate.

Absent sa ikaanim na sunod na laro ng Toronto sina forward OG Anunoby (left hip) at Khem Birch (ring knee). Absent din sa lineup sina guards Gary Trent Jr. (bruised right calf) at Goran Dragic.

Naglabas ng statement ang Raptors hinggil kay Dragic na ­humingi ng leave sanhi ng personal matter at walang definite timeline sa kanyang pagbabalik.

Hindi naman nakalaro sa Boston si guard dennis Schroder sanhi ng sprained right ankle.

Matapos ang first quarter, ­angat ang Celtics, 27-26. Umiskor si ­Williams ng seven points, gayundin sina Brown at Richardson at kunin ng Boston ang 54-51 halftime lead.

Nakapaglista rin sina Smart at Horford ng tig walong puntos sa third at inihatag sa Celtics ang 80-76 lead sa fourth.

Sisimulan naman ng Toronto ang seven-game homestand, kasama ang laro sa Linggo, isasara nito ang 2021 at lalaruin ang 12 ng 15 home games.

Samantala, inihayag ni Enes Kanter ang pagpapalit niya ng pangalan, Enes Kanter Freedom sa sandaling maging U.S. citizen sa Lunes, huling laro niya ito gamit ang birth name niya.

Sunod na makakasagupa ng Celtics ang Philadelphia sa Miyerkoles. Habang haharapin naman ng Raptors ang Memphis sa Martes.

PISTONS ‘DI PINABAWI NG LAKERS

TALIWAS sa inaabangan ng ­marami, tahimik ang naging rematch ng Los Angeles Lakers at bisitang Detroit Pistons.

Kinontrol ng Lakers ang third quarter via 16-0 run at naiposte ang 19-point lead, 3:42 sa laro. Pero nagawang makahabol ng Pistons, na-outscore ang Lakers, 36-27 sa fourth quarter, kung saan mula sa free throws ni Jerami Grant, naibaba ang deficit sa 108-104, 16 segundo na lang.

Subalit, kinapos ang paghahabol ng Pistons, nang tapusin ng Lakers ang laro sa 110-106 win.

Kinailangan ng Lakers ang big performances mula sa tatlong star players nito para dispatsahin ang Pistons. Si LeBron James, may 33 points, nine assists at five rebounds, habang si Russell Westbrook, 25 points, nine assists at six rebounds at Anthony Davis, 24 points at 10 rebounds, para sa total 82 points ng Lakers’ 110 points.

Namuno si Grant sa Pistons, 32 points (11 for 20 shooting, 4 for 6 sa 3-point range) at si Frank Jackson nagdagdag ng 17 points off the bench. Si Cade Cunningham, double-double – 15 points at 10 rebounds, at si Trey Lyles, 13 points at seven rebounds.

Lahat ng mata ay nakatuon kina James at Isaiah Stewart, matapos ang kanilang altercation sa Little Caesars Arena noong ­nakaraang linggo, na nagresulta sa pagkakasuspinde nilang dalawa.

Nang tawagin ang pangalan ni Stewart sa simula ng laro, malaking ‘boo’ ang narinig sa fans ng Lakers at maging sa tuwing hahawakan niya ang bola.

Maliban sa pambu-boo ng fans, naging tahimik ang laro, walang suntukan, walang hard fouls at walang technical fouls.

Tahimik ang gabi para kay Stewart, tumapos lamang na may five points at six rebounds sa 27 minutong laro.

Sa iba pang laro, wagi ang Memphis Grizzlies kontra Sacramento Kings, 128-101 at ang Milwaukee Bucks laban sa Indiana Pacers, 118-110.

5

Related posts

Leave a Comment