(NI NOEL ABUEL)
SA layuning makalikha ng mas maraming bilang ng mga magagaling na boxing champion at mga propesyunal na atleta sa bansa ay dapat na paglaanan ng dagdag na pondo.
Ito ang nilalaman ng inihaing Senate Bill no. 805 ni Senador Ramon “Bong” Revilla na naglalayong paglaanan ng dagdag na benepisyo at pondo ng mga professional athletes upang maengganyo na mas marami pang atleta ang pumasok sa palakasan tulad ng boxing at mga lokal na Dumog, Kali, Eskrima, Kino Mutai, Panantukan, Sikaram, at Yawyan.
Sinabi ni Revilla na marami nang Filipinong atleta ang nagtatagumpay sa nasabing mga palakasan subalit hindi naman nakakatanggap ng naaayong tulong pinansyal.
“Aside from basketball, boxing has a large following among local enthusiasts. It has also paved way for the country to garner international recognition, producing numerous champions who carved their own niche in the field of sports,” ani Revilla.
Ikinalungkot umano nito ang mga ulat na maraming dating international athletes na nagbigay parangal sa Pilipinas subalit sa huli ay naghihirap at nakaranas ng physically injured hanggang kamatayan.
“Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito ay mas marami pa tayong boksingero o kahalintulad nito ang maiingganyo at gagaling pa para maging susunod na kampeon at magdadala ng karangalan sa bansa,”sabi pa ng senador.
288