HARDEN, ROCKETS NAGPASABOG

NAGSUMITE si James Harden ng 44 points at may 10 rebounds nang pangunahan ang Houston Rockets sa 107-100 win laban sa host Memphis Grizzlies.

Inakay ni Harden ang koponan para makabawi buhat sa back-to-back losses sa kamay ng Brooklyn Nets at Miami heat nitong weekend.

Ang Houston ay lumarong wala si Russell Westbrook na ipinahinga sa unang pagkakataon ngayong season.

Sa Minneapolis, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng 34 points at 15 rebounds nang kaldagin ng Milwaukee Bucks ang Minnesota Timberwolves, 134-106.

Si Antetokounmpo, tinanghal na Eastern Conference Player of the Week noong Lunes, ay may 14-of-19 sa field sa larong naatraso ng halos isang oras bunga ng basket malfunction.

Nagdagdag din si Khris Middleton ng 26 points buhat sa 9-of-15 para sa Bucks, na may tatlong sunod nang panalo at ikasiyam sa 11 encounters laban sa Timberwolves.

Sa New York, nagposte ng 39 points at nine assists si Kyrie Irving at bitbitin pa ang anim na Brooklyn players sa double figures, sa kamuntik nang mabitawan ng Nets ang 20-point lead para itala ang 135-125 win laban sa New Orleans Pelicans.

Umiskor si Irving ng 20 points sa ikapitong sunod na laro para pantayan si Brook Lopez sa Nets history sapol nang lumipat ang prangkisa sa New Jersey noong 2012.

Iniukit ni Irving ang kanyang ikatlong 30-point game at umiskor ng 24 ng nasabing puntos sa halftime, bukod pa sa 13-of-21 sa floor.

125

Related posts

Leave a Comment