PINATUNAYAN ni Kai Sotto na may “K” o karapatan siyang pag-agawan ng iba’t ibang international basketball teams nang pangunahan ang The Skills Factory (TSF) National sa King Invitational sa Atlanta noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).
Inakay ni Sotto ang TSF National sa 112-102 panalo kontra Believe Prep ng South Carolina sa title match ng The Skills Factory King Invitational.
Umiskor ang 7-foot-2 na si Sotto ng 27 points, 10 rebounds, 6 blocks at 4 assists sa loob lang ng 25 minuto para sa three-game sweep ng TSF.
Dahil dito ay hinirang si Sotto na MVP ng tournament kung saan nagtala siyang ng kabuuang average na 27.0 points, 10.6 rebounds, 4.3 blocks at 3.0 assists.
Patuloy ang pagdating ng offers sa 17-anyos na dating UAAP Juniors MVP, mula sa iba’t ibang team sa United States kabilang na ang Kentucky at Georgia Tech.
Nauna nang napabalita na makakasama si Sotto sa Mighty Sports Philippines sa nakatakdang 2020 Dubai International Basketball Tournament ngayong weekend, subalit hindi ito natuloy dahil sa “unresolved logistical and scheduling issues” ni Sotto. (EBG)
355