(PHOTO BY MJ ROMERO)
HUMABOL sa biyahe ang Ateneo Lady Eagles nang talunin ang University of Perpetual Help, 25-18, 25-9, 25-17, para sa huling tiket sa semis ng Pool ng PVL Collegiate Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Habang siniguro naman ng College of Sta Benilde ang upuan sa Final Four, nang gapiin ang Technological Institute of the Philippines, 25-13, 25-16, 25-9 para sa No. 2 spot sa Pool B.
Matapos yumuko sa Adamson noong nakaraang linggo, ang una nilang talo sa torneo, at sa pagbabalik sa aksyon ni Faith Nisperos, ang Lady Eangles ay bumawi.
Si Nisperos ay nakaranas ng viral infection at hindi nakalaro kontra Lady Falcons, pero sa kanyang pagbabalik, nagbaon ito ng 14 kills para makapagsumite ng 15 points.
Nagdeliber si team captain Ponggay Gaston ng 11 points (kasama ang 11 digs) para ibagon ang Perpetual Help sa ikaapat na talo sa limang laro.
Haharapin ng Ateneo ang University of Santo Tommas sa best-of-three semifinsls na magsisimula sa Setyembre 28.
“Nabahiran ang pride but of course one game will not determine your character,” komento ni Ateneo head coach Oliver Almadro matapos makaresbak.
“I think the advantage of UST, the young players that they have may mga championship experience na,” dagdag niya. “But of course as I always say great teams will just push us forward. No matter what maging matapang lang at magkaroon ng faith.”
Ang St. Benilde sa kabilang banda ay pinangunahan ni Diane Ventura na may 10 points para sa 4-1 card at itinulak ang Lady Engineer sa 0-5.
Tanging ang St, Benilde lamang sa mga NCAA team nakapasok sa semifinals at nakatakdang harapin ang unbeaten Adamson Lady Falcons.
“Big names ‘yan kumbaga so we have to tell ourselves na lalaro lang tayo, execute lang tayo hopefully magagawa namin ‘yun,” lahad ni CSB head coach Jerry Yee. “We’d like na lalaro lang tayo NCAA ba ‘yan o UAAP ba ‘yan, we shouldn’t care too much na maglalaro lang tayo the best way we can.”
Tinapos naman ng FEU Lady Tamaraws ang kampanya sa PVL nang talunin ang Lyceum, 21-25, 25-14, 25-16, 25-19.
116