LIFESAVERS TUMAKAS, POWER HITTERS WAGI

volley77

(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO)

LARO SA MARTES:

(MUNTINLUPA SPORTS CENTER)

4:15 P.M. — PETRON VS MARINERANG PILIPINA

7:00 P.M. — CIGNAL VS PLDT

ITINAKAS ni Fiola Ceballos ang Generika-Ayala mula sa Cignal, 26-24, 19-25, 26-24, 18-25, 16-14, para sa solo third place ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference kamakalawa sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumalas ang Lifesavers buhat sa see-saw battle sa fifth set nang pagpakawala si Yeye Gabarda ng 4-0 run tungo sa match point, 14-11, bago nagsalba si Rachel Anne Daquis ng point.

Ang Lifesavers ay may 8-5 win-loss card, habang ang Cignal ay nalaglag sa fifth (6-6).

Si Ceballos ay nagpasabog ng 30 points mula sa 25 attacks, three blocks at two aces para sa Lifesavers. May 30 digs din siya.

Habang pinulbos naman ng PLDT Home Fibr ang wala pa ring panalong Marinerang Pilipinas sa straight sets, 25-16, 25-23, 25-20.

Galing sa three-set loss sa kamay ng defending champion Petron noong nakaraang linggo, binalikat ni Grethcel Soltones ang Power Hitters para makaresbak at ihatag sa Lady Skippers ang ika-12 sunod na kabiguan.

Si Soltones ay nagbaon ng 10 kills para sa 11 points at pangunahan ang PLDT, na nagpakita ng matibay na floor depensa sa kanyang 19 digs at 13 excellent receptions.

Naging instrumento rin si Aiko Urdas na may nime markers at si setter Jasmine Nabor na may 14 excellent sets at five markers.

Humigpit ang kapit ng PLDT sa No. 6 spot, 4-7 win-loss record, pero, tanggap ni head coach Roger Gorayeb na posibleng ang No. 3 team ang makakaharap nila sa knockout quarterfinals.

“At least we got a win today. We’re just trying to get confidence from our remaining games,” komento ni Gorayeb, na ang koponan ay may nalalabi pang laro kontra Cignal, Generika-Ayala at F2 Logistics.  (NI JOSEPH BONIFACIO)

137

Related posts

Leave a Comment