MAGNOLIA SWAK SA FINALS

ANTIPOLO — May bagong kampeon sa PBA Governors’ Cup.

Ito’y matapos patalsikin ng Magnolia ang reigning champion Barangay Ginebra sa Game Four, 112-108, Biyernes ng gabi sa Ynares Center ditto.
Umiskor si Romeo Travis ng PBA career-high 50 points na sinamahan pa ng 13 rebounds at tinapos ng Magnolia ang paghahari ng Kings, 3-1 sa best-of-five series, upang umusad sa finals sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.

Nangangamoy Game Five ang serye nang magposte ang Ginebra ng five-point lead, 106-101 sa huling dalawang minute ng laro.
Pero, nakakuha ng foul si Travis sa huling 44.1 segundo tungo sa 108-106 count.

Tumulong kay Travis sa krusyal na bahagi ng laro si Ian Sangalang na nag-ambag ng 14 points, six rebounds at six assists, habang si Paul Lee ay nagdagdag ng 11 points para sa Hotshots, na hihintayin ang magwawagi sa serye ng Alaska at Meralco.

Umiskor si Justin Brownlee ng 32 points, may 9 rebounds, 7 assists at 3 blocks para sa Ginebra. Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 25 points at 14 rebounds.

Scores:
Magnolia (112) – Travis 50, Sangalang 14, Lee 11, Jalalon 9, Herndon 8, Barroca 8, Simon 6, Dela Rosa 4, Reavis 2, Brondial 0, Melton 0.
Ginebra (108) – Brownlee 32, Aguilar 25, Tenorio 12, Thompson 12, Devance 11, Slaughter 7, Mercado 5, Chan 2, Mariano 2, Ferrer 0.uarters: 20-27, 51-53, 81-79, 112-108.

175

Related posts

Leave a Comment