NU SPIKERS 7-0 NA

Idineretso sa pito ng defending four-time girls champion National University ang kanilang panalo matapos talunin ang Adamson University, 25-19, 25-18, 31-29, noong Linggo sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament saFAU-Diliman Gym.

Iniskor ni Faith Nisperos ang kanyang 14 points mula sa spikes, habang si reigning MVP Mhicaela Belen ay may 13 hits, seven digs at four receptions at si Alyssa Solomon naman ay may two blocks attwo service aces para tumapos na may 11 points para sa Bullpups.
May nine points naman si Kate Santiago para sa Baby Falcons.

Humugot naman ang UST ng pinagsamang 18 points mula kina Renee Lou Penafiel at Imee Hernandez tungo sa 25-22, 25-11, 25-10 win kontra UP Integrated School at tablahan ang Adamson U sa third place (5-3).

Bago mag-bye, tinalo muna ng De La Salle-Zobel ang UPIS, 25-15, 25-16, 25-19, sa second round opener noong Sabado para sa ikalawang puwesto (5-2).

Sa boys division, nanaig ang NU kontra titleholder UST, 25-18, 25-20, 32-30 at pagkatapos ay ginapi ang Adamson University, 12-25, 25-22, 19-25, 25-22, 15-13 para sa perpektong 9-0 record.

Matapos matalo sa UE, rumesbak ang FEU-Diliman nang magtala ng 23-25, 25-16, 25-27, 25-14, 15-9 win kontra La Salle-Zobel at umakyat sa second place (7-2).

Habang umakyat din ang UE sa ikatlong puwesto (6-3).

7

Related posts

Leave a Comment