DAHIL ‘under negotiation’ pa rin ang broadcast rights ng NBA games sa Pilipinas, napilitan ang liga na ihayag na ang ilang laro sa unang linggo ng pagbubukas ng 2019-2020 regular season ay ipalalabas muna sa social media.
Inihayag ng NBA Philippines na ang ipalalabas ng liga ang mga laro sa Facebool at Twitter, simula sa inaabangang laro sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers sa alas-10:30 ng umaga ng Miyerkoles (Manila time).
Habang ang laro ng Boston Celtics at Philadelphia 76ers ay mapapanood naman sa Huwebes ng alas-7:30 ng umaga at ang Milwaukee Bucks-Houston Rockets game sa Biyernes nang alas-8:00 ng umaga.
Natapos ang kontra ng Solar Entertainment na siyang nag-eere ng NBA games sa Pilipinas noong Setyembre at hanggang ngayon ay nakikipagnegosasyon pa ang Sky at Cignal sa NBA management hinggil sa TV rights ng mga laro.
Kaya sa unang mga laro ng NBA, libre munang mapapanood ng fans ang mag ito sa social media.
“The Philippines is one of the world’s leaders in social media penetration and usage with over 17 million followers of the league’s social media accounts, making it an ideal platform to livestream NBA content. With NBA games on Facebook Watch and Twitter, we are empowering the digital lifestyle of our fans with the ability to enjoy the NBA anytime, anywhere. As the media landscape evolves, we look forward to introducing more ways to bring NBA games to a nationwide audience this season,” lahad ni NBA Philippines managing director Carlo Singson.
375