(PHOTO BY MJ ROMERO)
HINDI nagpaawat ang defending three-time champion San Beda sa pagwalis sa nine-game first round ng 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.
Tinalo ng Red Lions ang Mapua Cardinals, 69-60, sa pangunguna ni Calvin Oftana na may 24 points, 12 rebounds at five assists, katuwang sina James Kwekuteye at Donald Tankoua na nag-ambag ng tig-10 puntos.
“Sa totoo lang, everybody doesn’t expect us to be here right now,” komento ni San Beda coach Boyet Fernandez. “I’m happy that we are winning games but we still have a long way to go.”
Sa unang laro, tinalo ng Letran Knights ang College of Saint Benilde, 88-64.
Tabla ngayon ang Letran, St. Benilde at pahingang Lycucem of the Philippines University sa 6-3 card.
Si Jerrick Balanza, na nagdiriwang ng ika-23 kaarawan kahapon, ay nagsumite ng 26 points para sa Knights.
Eksaktong isang taon din ngayon sapul nang ma-diagnose si Balanza na may tumor sa temporal lobe ng kanyang utak, dahilan para pansamantala siyang mawala sa eksena at sinuportahan ng buong NCAA habang nagpapagamot at nagpapagaling.
Huling taon na ni Balanza sa Letran, at nais niyang mabigyan ng championship ang koponan.
“Sobrang saya ko kasi binigyan ako ng isa pa at sana marami pang sumunod. Mina-maximize ko lang kung ano ang meron ako ngayon,” lahad ng 6-foot-2 guard mula sa Tondo.
Ang iskor:
First Game
Letran (88) — Balanza 26, Batiller 10, Olivario 7, Muyang 7, Caralipio 6, Yu 6, Ular 6, Balagasay 6, Ambohot 5, Reyson 5, Mina 2, Sangalang 2, Javillonar 0, Guarino 0.
CSB (64) — Belgica 12, Haruna 8, Naboa 7, Flores 7, Carlos 7, Nayve 6, Sangco 5, Lepalam 5, Gutang 3, Young 3, Leutcheu 1, Dixon 1, Velasco 0, Mosqueda 0.
Quarterscores: 25-15, 46-35, 73-49, 88-64.
Second Game
San Beda (69) – Oftana 24, Canlas 10, Tankoua 10, Abuda 7, Bahio 5, Cariño 4, Nelle 3, Doliguez 3, Soberano 3, Etrata 0, Alfaro 0, Noah 0.
Mapua (60) – Hernandez 16, Lugo 13, Gonzales 11, Bonifacio 7, Buñag 4, Gamboa 4, Victoria 2, Serrano 2, Salenga 1, Jabel 0.
Quarterscores: 16-16, 30-28, 49-45, 69-60.
142