PBA Philippine Cup semifinals HOTSHOTS BUHAY PA

NANAIG ang Magnolia kontra Talk ‘N Text, 105-97, sa Game 5 ng kanilang best-of-7 PBA Philippine Cup semifinals, Biyernes sa Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo ay nanatiling buhay ang pag-asa ng Hotshots, bagama’t lamang pa rin ng isang game ang Tropang Giga, 2-3.

Nagtulong-tulong ang Magnolia key players na sina Mark Barroca, Calvin Abueva at Ian Sangalang upang maiwasang tuluyang mapatalsik sa serye.

Kumamada si Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists habang si Abueva ay may 16 markers, 10 boards at 5 assists, at si Sangalang ay may 16 points.

Napigilan ng Hotshots ang main scorers ng TNT na sina Mikey Williams at Jayson Castro at nagawang lumamang ng hanggang 16 puntos.

Ngunit nabuhayan ang Tropang Giga at nagawang makadikit, 82-85, sa fourth period sa pangunguna ni Castro, may total 18 points.

Gayunpaman, hindi nagpatinag ang  Magnolia at tuluyang nakatakas sa defending champ.

Related posts

Leave a Comment