PINAY FENCER KINAPOS SA CZECH MEET

BIGONG mag-podium finish si Pinay fencer Maxine Esteban sa Sokol Cup U23 na ginanap sa Czech Republic.

Nagtapos sa seventh place overall ang 21-year-old fencer sa seniors women’s foil event nitong Linggo.

Si Esteban, 2019 Southeast Asian Games bronze medalist, ay kinapos umusad sa susunod na round makaraang tumiklop kay Italian fencer Marta Cammilletti, 2-13, sa Table of 8.

Namayagpag sa women’s foil event si Lilli Brugger ng Austria, pumangalawa si Anna Poltz ng Hungary, at pangatlo sina Anca Saveanu ng Romania at ­Cammilletti.

Ang Czech tourney ay bahagi ng preparasyon ni Esteban patungo sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23. (ANN ENCARNACION)

102

Related posts

Leave a Comment