PNVF Champions League men’s SIMULA NA!

SPORTS BITES Ni ANN ENCARNACION

 

PITONG koponan ang magpapaluan sa inaugural ­Philippine National Volleyball ­Federation (PNVF) Champions League men’s division simula ­ngayon (Lunes) sa Aquamarine Sports Complex sa Lipa City, Batangas.

Kabilang sa Pool A ng torneo ang mga koponan ng Go for Gold-Air Force Aguilas, Basilan Peace Riders at Manileno Spikers, habang pasok sa Pool B ang Global Remit, Sabong Inter­national ­Spikers, MRT-Negros at Team Dasma Monarchs.

Unang aaksyon sa triple-header opener sa alas-10 ng umaga ang koponang Go for Gold-Air Force Aguilas katapat ang Manileno Spikers. Susundan ito sa ala-1:30 ng hapon ng tapatang Sabong

International ­Spikers at MRT-Negros, habang sa alas-4 ng hapon magsu­subukan ang Global Remit at Team Dasma Monarchs.

Gaganapin sa Disyembre 2 ang classification stage, ­Disyembre 3 ang semifinal at Disyembre 4 ang medal matches ng torneo.

PAAT INIMPORT
NG THAILAND

MAGLALARO si veteran skipper Mylene Paat para sa Nakhon Ratchasima sa Women’s Volleyball League sa Thailand.

Ang 27-anyos na opposite hitter ang ikatlong Pinoy na maglalaro sa Thailand volleyball league, kasunod nina Alyssa Valdez na naglaro noon para sa 3BB Nakornnont noong 2016 at Marck Espejo ng Vishaka noong 2019-2020.

Bahagi si Paat ng Chery Tiggo, 2021 Premier Volleyball League Open Conference champion at runner up sa katatapos lang na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League.

Kasama rin siya sa Choco Mucho women’s national volley­ball team na nagpartisipa sa 2021 AVC Asian Women’s Club Championship.

Maliban kay Paat, naglalaro bilang import sina Jaja Santiago, Bryan Bagunas at Espejo sa Japan V. League, habang si Kalei Mau ay hahampas sa Athletes’ Unlimited sa Amerika.

PH TEAM PASOK
SA GUINESS BOOK

CERTIFIED na pasok sa Guiness Book of World Record bilang Highest Altitude Obstacle Race ang World’s Highest OCR na pinagwagian ng Pilipinas Obstacle team.

Mayroong taas na 5,714 ­metro above sea level ang Mount Kilimanjaro sa Tanzania, na sinalihan at pinagwagihan ng mga Pinoy noong Setyembre 19, 2021. Nakapag-uwi ang national men’s at women’s team ng gold at silver medals.

Ikinatuwa naman ng Pilipinas Obstacle Sports Federation (POSF) ang tagumpay ng asosasyon at mga miyembro nito.

“Pilipinas Obstacle Sports Federation is part of this ­Guinness World Record – Highest Altitude Obstacle Course Race. We brought home the Gold and Silver in the Male and Female Categories,” sabi ni POSF prexy Atty. Alberto Agra.

3

Related posts

Leave a Comment