RIPER/SABONG ON AIR TANDEM RARATSADA SA 6-COCK DERBY SA PAKIL NGAYONG ARAW

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

AARANGKADA na ngayong araw, Hunyo 6, ang bakbakan ng mga tigasing breeders at cockers sa 6-Cock Derby na bibitawan sa ruweda ng Pakil Cockpit Arena sa Brgy. Kabulusan, Pakil, Laguna.

Kaya naman, siguradong mapapalaban nang todo ang mga panabong ng inyong lingkod na magiging katuwang ang mga pambato ni Richard ‘Riper’ Perez.

Ang aming gagamiting entry name ay “Riper/Sabong on Air” dahil kasama kami sa mga naimbitahan para sumabak sa pa-derby ni Boss Dondon Patidongan.

Siyempre, dito ay muli naming susubukan ang husay ng aming mga warriors.

Kung maaalala, noong nakaraang buwan lamang ay nagkampeon ang aming “Riper/Sabong on Air” entry sa Hagibis TV 4-Cock Derby na inilarga sa state-of-the-art Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna.

Hangad naming magkampeon muli rito.

Magkasunod na kampeonato kasi ang pinupog ng aming entry kaya nais naming maduplika ito.

Hindi malayong makasagupa ng aming mga warriors ang WPC Pitmaster team “Alpha” na ­pinangungunahan ni Charlie “Atong” Ang.

At kung hindi ako nagkakamali, kasama rin sa mga grupo ng WPC Pitmaster sina Art Atayde, Rhona Bullecer, at Jun Soriano.

Nariyan din naman sina Atty. Henry Tubban, RR Lacson, at maging ang host ng derby na si ­Patidongan.

Aabot sa P110,000 ang pot money habang ang minimum bet ay 55,000 sa derby na pinapayagan na maglaban ng hennies o binabae.

Noong Marso 21, nangibabaw ang entry ng inyong lingkod na “Ka Rex Cayanong” sa Battle of the Big Boys 6-Cock Super Big Event sa Manila Arena.

Napanood ang mga labang iyon sa WPC-Pitmaster Live kung saan nasungkit namin ang solo champion.

Hindi biro ang pinagdaanan namin bago nakuha ang korona.

Nakaharap kasi ng mga panlaban namin noong araw na iyon ang AAO Hitchcock na pag-aari ni Gerry Ramos; Sudan Sun Liberator Power nina Paul Torres at Aldo; at ang BMY-SUPERTUFF-DC Bailen.

Nasilat din ng mga alaga naming cock fighters noong Marso ang entry na AA-DLG-JPB nina Boss Atong at Boss Liloy Go sa fourth fight, kasunod ang Jecca 196/Tyago 1017 nina Joel Cuento at Christian Almario.

Nawa’y abangan at daluhan n’yo po ang derby na ito ngayong araw.

Pumunta po kayo nang personal at pumusta sa mga mapupusuang entries para maging masaya ang inyong araw.

Suportahan po natin ang industriyang ito.

Mabuhay po kayo at God bless!

142

Related posts

Leave a Comment