ST. BENILDE HAHARAP SA MALAKING PAGHAMON

(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO)

MGA LARO NGAYON:

(THE ARENA, SAN JUAN)

8:00 A.M. – LETRAN VS ST. BENILDE (JRS)

10:00 A.M. – SAN BEDA VS MAPUA (JRS)

12:00 N.N. – LETRAN VS ST. BENILDE (SRS)

2:00 P.M. – SAN BEDA VS MAPUA (SRS)

4:00 P.M. – ARELLANO VS SAN SEBASTIAN (SRS)

6:00 P.M. – ARELLANO VS SAN SEBASTIAN (JRS)

NAHAHARAP sa mabigat na hamon ang College of Saint Benilde, na inienjoy ang kanilang magandang simula matapos ang 21 taon, sa pakikipagtipan sa nagpapasiklab ding Letran College, na pipigilan ang ragasa ng una, sa pagpapatuloy ngayon ng 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Nakatuon ang Blazers sa ikalimang sunod na panalo sa alas-12:00 ng tanghaling showdown sa Knights.

Hangad naman ng defending champion San Beda na mapahaba sa lima ang win run sa pagharap sa winless Mapua sa alas-2:00 ng hapon.

Habang ang sumasadsad na San Sebastian at Arellano University ay maghaharap sa alas-4:00 ng hapon.

Bagamat may duda kung makakalaro na si Justin Gutang sanhing knee injury, marami namang armas ang St. Benilde gaya nina Unique Naboa, Chris Flores ang graduating players na sina Clement Leutcheu at Yankie Haruna.

Sa kabila naman ng impresibong 5-1 slate at nasa third place, ang Letran ay nahihirapang dispatsahin ang kalaban, bagay na nais pagtuunan ng pansin ni coach Bonnie Tan.

“For sure, it’s gonna be a close game. Match-up wise, they (Blazers) have the height and they have veteran guys. It’s gonna be an exciting game, like a championship game,” pahayag niTan.

Sina Bonbon Batiller, Larry Muyang, Jeo Ambohot, Jerrick Balanza at Ato Ular ang magiging pangunahing sandata ng Knights, na inaasahang ibubuhos ang lahat bilang paghahanda sa karibal na Red Lions sa Sabado.

 

300

Related posts

Leave a Comment