TUMITINDING KARERA SA LAST 4 QUARTERFINAL SLOTS

tnt77

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)

INAASAHANG mas magiging exciting ang mga labanan sa ongoing PBA Commissioner’s Cup dahil matinding karera para sa huling apat na quarterfinal berths.

Nakasiguro na ng twice-to-beat advantage ang TNT KaTropa at NorthPort Batang Pier, habang ang Blackwater Elite at Barangay Ginebra San Miguel ay nakakuha na ng quarterfinal slots matapos ding magsipanalo.

Ang TNT ay may kartadang 9-1 dahil sa seven-game winning streak, kabilang ang 115-97 panalo laban sa Blackwater kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa pangalawang pwesto ang NorthPort sa record na 8-2, habang parehong may 6-4 card ang Blackwater at Ginebra, na pinataob ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok, 102-81, nitong Linggo ng gabi, kung saan pumutok si import Justin Brownlee ng PBA career-high 49 points na sinahugan pa ng 20 rebounds nang tambakan ang karibal sa dinumog na namang Manila Clasico.

Nagkukumahog naman ang Magnolia, Rain or Shine Elasto Painters, Alaska Aces at San Miguel Beermen para makalusot sa playoffs ng midseason conference.

Bumaba ang Magnolia sa fifth place sa record na 5-4 matapos ang dalawang sunod na talo. Bago matalo sa Ginebra, nakatikim ng 104-99 overtime loss ang Hotshots laban sa Blackwater Elite noong Biyernes.

Tabla sa 4-5 ang Phoenix at Rain or Shine matapos ang magkaibang mga resulta.

Nanalo ang Rain or Shine, 86-84, sa Alaska habang tumiklop ang Phoenix sa Columbian Dyip, 100-98, noong Sabado.

Nasa eighth spot ang Alaska sa record na 4-6, habang umakyat ang San Miguel sa 3-5 matapos ang 109-105 panalo laban sa NLEX Road Warriors sa pamamagitan ng 47 points ng debuting import na si Chris McCullough.

117

Related posts

Leave a Comment