(NI JOSEPH BONIFACIO)
ITINANGHAL sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ng University of Santo Tomas at Jessie Khing Lacuna ng Ateneo University bilang Athletes of the Year ng UAAP Season 81.
Sa seremonyang ginanap nitong Martes sa Mall of Asia Arena, nanguna si Rondina sa team sports category. Ito naman ang ikalawang AOY award ni Lacuna, na unang inangkin ang karangalan noong 2016, kung saan kasosyo niya sina Ian Lariba, ang namayapang table tennis Olympian ng De La Salle, Alyssa Valdez ng Ateneo women’s volleyball at Queeny Sabobo ng Adamson softball.
Si Lacuna, isa ring Olympian, ay tinapos ang makulay na swimming career sa nakulektang 35 gold medals.
Si Rondina, sa kanyang huling taon sa UST, ay inakay ang Tigresses sa ikatlong sunod na beach volleyball crowan at fourth overall sa loob ng limang taon, bukod pa sa kanyang apat na season MVP award. Habang pangunahan din niya ang runner-up finish ng women’s team sa indoor volleyball, kung saan siya rin ang tinanghal na season MVP.
“Blessed and di ko rin inexpect na sa akin mapupunta.
Thank you. Siguro, para sa lahat ng teammate ko to. Nakakasurprise talaga siya,” pahayag ni Rondina matapos tanggapin ang AOY award.
Ang UST rin ang tinanghal na overall champions sa ikalimang sunod na pagkakataon. Sa junior division, tinanghal na 19th overall champions ang Tiger Cubs.
Winalis naman ng Ateneo ang Athlete of the Year plums sa juniors division, sa pangunguna ni Kai Sotto at ng young tanker na si Philip Joaquin Santos sa team at individua categories.
Isinalin naman ng National U ang hosting job sa Ateneo para sa Season 82.
327