KAHIT wala pa rin sa lineup si Chris Paul, patuloy ang pamamayagpag ng NBA-leading Phoenix Suns.
Sa pangunguna ni Deandre Ayton, nagtala ng career-high 35 points at may 14 rebounds, kasunod si Devin Booker, iniskor ang 22 ng kanyang 28 points sa second half, pinalubog ng Suns ang trash-talking Minnesota Timberwolves, 125-116, Miyerkoles ng gabi sa Minneapolis (Huwebes sa Manila).
Ibinuhos naman ni Landry Shamet ang 10 ng kanyang 19 puntos sa fourth quarter upang makatulong sa paghahabol ng Suns mula sa 15-point deficit.
Hangad ng Phoenix ang isang panalo, o ‘di kaya’y Memphis loss, upang kunin ang home-court advantage sa kabuuan ng playoffs.
Abante ng siyam na laro ang Phoenix at may nalalabi pang siyam na laro.
Nakakaanim na sunod na panalo ang Suns, 18-of-22 at 59-14 overall.
”That’s a playoff environment,” wika ni Ayton.
Kinumpleto ng Phoenix ang first sweep ng tatlo o higit pang laro kontra Minnesota sa 11 seasons.
Kumubra naman si Anthony Edwards ng 19 points, nagdagdag si Karl-Anthony Towns ng 15 points at 11 rebounds para sa Timberwolves.
Dumausdos ang T’Wol-ves ng 1 1/2 laro sa likod ng Denver para sa No. 6 na iiwas sa play-in tournament.
Si Towns ay may three points lang sa second half. Mas inatupag pa ang pakikipag-trash talk at ilang ‘rough stuff’ na nagresulta sa tatlong technical fouls at one flagrant foul sa bawat team.
Pero, hindi nagpaapekto ang Suns sa ginawa ng Minnesota.
”I don’t think we were on much of that talking until they started it, to be completely honest,” komento ni Booker, malapit na kaibigan ni Towns at ni T’Wolves guard D’Angelo Russell. ”It’s a long game. We’ve seen that situation plenty of times before – a team comes out, gets hots and gets comfortable. We just stuck with what we do.”
Tinawagan si Towns ng F1 foul laban kay Shamet, 8:35 sa laro. Si Shamet ang naging susi ng Suns sa una nitong lead, 95-94 mula sa free throws at buhat doon, tuluyan nang umabante.
GRIZZLIES LUSOT
SA NETS
TINAPAKAN ng Memphis Grizzlies ang Brooklyn Nets, 132-120, sa pagbibida ni Desmond Bane, may 23 points kasama ang nine straight sa fourth quarter sa Tennessee.
Nabalewala ang 43 points ni Kyrie Irving at 35 points mula kay Kevin Durant, mayroon ding 11 rebounds.
Dahil ban sa home games sanhi ng New York City vaccine mandate, first time ito ni Irving lumaro sapol nang umiskor ng 60 sa Orlando, walong araw na ang nakararaan.
Pero, may magandang balita para sa unvaccinated (against COVID) na si Irving, dahil nakatakdang alisin ni New York City Mayor Eric Adams ang mandato para sa athletes at performers.
Ang Memphis ay short-handed home team dahil wala sa lineup ang leading scorer nitong si Ja Morant (right knee soreness).
Gayunpaman, nakakuha ng suporta mula kay reserve De’Anthony Melton, may 23-point output din, habang si Dillon Brooks nag-ambag ng 21.
Wagi ang Grizzlies sa anim ng kanilang pitong laro at nauupo sa second spot ng Western Conference.
Pinabayaan ng Memphis ang double-digit lead sa second half, ngunit nakabawi sa fourth quarter, na-outscore ang Brooklyn 29-16.
Angat ang Grizzlies sa halftime, 76-62 at ng 15 puntos sa simula ng third quarter, nang magrally sina Durant at Irving, kung saan gumawa ang Brooklyn ng 16-of-22 shots at umabante pa, 104-103 papasok sa fourth.
Ikalimang sunod na talo ito ng Nets sa series. At tanging ang Grizzlies team ang hindi pa tinalo ng Nets sa season.
LAKERS
NATAUHAN
SA SIXERS
INILISTA ni Joel Embiid ang 30 points at 10 rebounds, habang si James Harden ay nagdagdag ng 24 points, at nagpakatatag ang Philadelphia 76ers na sa bandang dulo ay kinalawit ang 126-121 win kontra LeBron James-less Lakers.
Dalawang gabi matapos sorpresang talunin ng Sixers ang Eastern Conference- leading Miami kahit wala sina Embiid at Harden, nagbalik ang dalawang superstars sa hindi inasahang mahigpitang pa- nalo laban sa Lakers.
Nagsumite si Tyrese Maxey ng 21 points sa Philadelphia, may limang panalo sa pitong laro.
Hindi lumaro si James sanhi ng sore knees, kaya’t bigo ang fans makita ang showdown sa pagitan ng NBA’s leading scorer at ni Embiid.
Umiskor si Dwight Howard ng season-high 24 points, si Malik Monk may 23 para sa Los Angeles, talo sa 11th time sa 15 games at muling malaglag ng 11 games below .500 (31-42).
Angat ang Philadelphia ng 14 sa second half, pero nagawang dumikit ng Lakers, 93-91 papasok sa fourth. Tinutukan ng depensa ng Lakers si Embiid, ngunit sina Maxey at Tobias Harris naman ang nakalusot at kumamada ng big shots sa stretch.
Nag-contribute rin si Russell Westbrook ng 24 points, habang may 20 puntos si Carmelo Anthony para sa Lakers.
Sa iba pang laro, naitala ng Golden State Warriors ang 118-104 win kontra Miami Heat; tinalo ng Boston Celtics ang Utah Jazz, 125-97; wagi rin ang Detroit Pistons kontra Atlanta Hawks, 122-101.
Naitakbo ng Sacramento Kings ang 110-109 win laban sa Indiana Pacers; 118-102 win naman ang hinablot ng Oklahoma City Thunder vs Orlando Magic; Panalo rin ang Dallas Mavericks sa Houston Rockets, 110-91, gayundin ang San Antonio Spurs, 113-96 kontra Portland Trail Blazers at New York Knicks, 121-106 laban sa Charlotte Hornets.
194