WRESTLING PREXY AAPELA SA PSC; GINTONG NAGING BATO?

(NI JEAN MALANUM)

HALOS tatlong buwan bago sumabak ang mga Filipino athlete sa 30th SEA Games ay tila nalagasan na ng ginto ang Pilipinas, sa pagkakasibak ng wrestling sa kalendaryo ng event sa biennial meet.

Bunga nito, nakatakdang makipag-usap si Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Lunes hinggil sa nasabing bagay.

Sinulatan ni Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chief executive officer Ramon ‘Tats’ Suzara si Aguilar noong Agosto 26 upang sabihin na hindi na kasali ang sport dahil sa kawalan ng authorization mula sa International at Asian Federation ng wrestling.

Ang authorization sa International at Asian Federation ay kailangan ng PHISGOC para maisama ang wrestling sa biennial tournament na gagawin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Binigyan rin ng kopya ng sulat ang PSC at ang Philippine Olympic Committee na pinamumunuan ni Cong. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling sapagkat ang PSC at POC ay nagsisilbing co-chairpersons ng PHISGOC.

Sinabi ni Aguilar na ipapaliwanag niya kay Ramirez kung ano ang mga naging issues sa wrestling at kung bakit gusto ng mga counterparts ni Aguilar sa ASEAN region na isama ang mga grappling events na hindi inaprubahan ng PHISGOC.

“Only 14 events were approved but we requested for additional events. We now have 20 events and if the extra events are finally confirmed, our athletes will deliver a minimum of 10 golds,” paliwanag ni Aguilar.

Ang mga nakaline-up sa grappling ay sina Justin Ceriola, Vince Ortiz at Franco Rulloda sa men’s team at Maybelline Masuda, Aisa Ratcliff at Tin del Rosario sa women’s team.

Sina Ortiz, Rulloda at Masuda ay gold winners sa SEA Championships.

Samantala, natutuwa naman si Aguilar dahil nanalo ng 11 golds, anim na silvers at walong bronze medals sina Ceriola, Masuda at Ratcliff na nagsanay at lumahok sa mga tournaments sa Amerika sa loob ng isang buwan.

Ang mga tournaments na sinalihan ng mga Pinay wrestlers ay Washington Open, Orlando Open, Seattle Open, World Masters at Las Vegas Open.

Ang national champion na si Ceriola ay nakakuha ng gold sa Washington Open at Seattle Open.

Si Masuda ang unang Pilipinong world champion at naging gold medalist sa Asian Games Games.

Si Ratcliff na nakapag-asawa ng Australian ay taga-San Carlos City, Negros Occidental. Siya ay national at international champion.

Si Ortiz ang tinaguriang best pound-for-pound athlete dahil sa nanalo siya sa lahat ng competitions na nilahukan niya sa Pilipinas at ibang bansa. Bronze medalist siya sa 2018 World Championships na ginawa sa Kazkhstan.

Matapos na ma-scrap noong 2015 (Singapore) at 2017 (Malaysia), magbabalik ang wrestling sa 30th SEAG na may 56 sports na gagawin sa iba’t ibang venues sa Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna at Metro Manila.

 

 

216

Related posts

Leave a Comment