WSC 2020 MAY TRIBUTE KAY RAY ALEXANDER

(NI DENNIS IÑIGO)

MAGSISIMULA na naman ang pinakaaabangang “Olympics of Sabong” o World Slasher Cup 2020 ngayong buwan.
Ang taunang 9-cock invitational international derby ay papagaspas sa Enero 20 hanggang 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, bagong rebranded na Araneta City sa QC.

Sa taong ito, maliban sa tagisan ng mga pinakamahuhusay na local at international fowl fighters at cockers sa ruweba, bibigyan din ng tribute ang kinikilalang legendary gamefowl breeder na si Ray Alexander.

Si Alexander na namayapa noong Hulyo 2019 sa edad na 82 ay isa sa nagpasimula sa World Slasher Cup noong dekada 70. Siya rin ang kumimbinsi sa ilang American fighters at breeders na magtungo sa Pilipinas at sumali sa WSC.

Inaasahan naman na muling hahataw ang WSC champs noong nakaraang taon na Thunderbird 1 nina Nene Araneta at Frank Berin, at RC Warriors JD nina Rey Cañedo at Jun Durano.

Tatangkain din depensahan ni WSC 1 2019 solo champ Cris Copas ng Kentucky, USA at partner Claude Bautista ng CPB Group of Mindanao ang kanilang titulo.

Hindi rin pahuhuli ang WSC veterans at dating mga kampeon na sina seven-time champ Patrick “Idol” Antonio, Escolin brothers, mediaman Rey Briones, Magno Lim at Gerry Tesorero.

Kinilala bilang “Olympics of Sabong”, tampok sa World Slasher Cup ang mga pinakapili at pinakamahuhusay na breeds at bloodlines ng winged warriors mula sa fowl farms sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

Sa mga interesadong sumali sa WSC 2020, maaari pa rin magparehistro ng entries sa pamamagitan ng www.worldslashercup.ph o tumawag sa WSC Derby Office sa telepono (8)588-8227 o (8)911-2928.

Para sa karagdagang impormasyon at updates, sundan ang WSC Facebook page @worldslashercup2020, o bisitahin ang kanilang website www.worldslashercup.ph o mag-email sa worldslashercupofficial@gmail.com.

262

Related posts

Leave a Comment