STATE OF EMERGENCY DAHIL SA EL NIÑO

EL NINO STATE OF EMERGENCY

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Dahil palaki na ng palaki ang nawawala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño, hiniling ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na sa State of Emergency ang mga apektadong probinsya.

Ginawa ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang kahilingan matapos pumalo na umano sa mahigit P5 Bilyon ang nasirang mga pananim dahil sa nararanasang tagtuyot sa mga probinsya.

“I appeal to President Rodrigo Duterte to declare a state of emergency over areas severely affected by El Nino so that disaster relief funds can be immediately released to bring direct aid to families hit by the drought,” ani Salo.

Nabatid na mayroong umanong $500 Million disaster relief funds ang World Bank na ayon aniya sa Department of Finance (DOF) ay maaaring magamit kung kinakailangan.

“We need that now,” ani Salo dahil nagugutom na umano ang mga apektadong probinsya lalo na ang mga magsasaka matapos matuyo ang kanilang mga pananim o kaya hindi mataniman ang kanilang mga lupa dahil nagkabitak-tibak na ito dahil sa kawalan ng tubig.

Hiniling din ng mambabatas sa Commission on Election (Comelec) na ilibre na ang mga probinsyang apektado ng El Niño sa kanilang proklamasyon na nagbabawal sa mga ito na gumagamit ng pondo ngayong panahon ng kampanya para tulungan ang mga kanilang mga constituent.

Sinabi ng mambabatas na kailangan na kailangan na ng mga magsasaka ang tulong, hindi lang sa national government kundi sa mga local government dahil kung hihintayin na matapos ang eleksyon bago sila saklolohan ay hindi ito makakabuti sa taumbayan.

145

Related posts

Leave a Comment