STS KRISTINE DEATH TOLL 46, MISSING 20

DAHIL marami pang lubog na lugar na hindi nararating ng mga Search and Rescue team matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine, pinangangambahang lolobo pa ang naitalang death toll na nasa 46 na habang may 20 iba pa ang idineklarang nawawala bukod sa mga sugatan .

Sa initial situational report na ibinahagi kahapon ng Office of Civil Defense, nasa 46 katao na ang sinasabing nasawi sanhi ng pagkalunod at landslides o nabagsakan ng mabigat na bagay.

Pinakamaraming naitalang casualties sa Bicol regions na may 28 ang bilang ng mga namatay habang 15 naman ang total death sa CALABARZON areas.

Kaugnay sa malubhang epekto ng kalamidad sa maraming lugar, ipinag utos kahapon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa buong Armed Forces of the Philippine na imobilisa ang lahat ng kanilang asset.

“All personnel leaves, except for medical reasons and those with humanitarian justifications, in the uniformed services, are deemed cancelled.”

Ipinag-utos ni PBBM na ang lahat ng mga kasapi ng AFP at PNP medical corps ay sasama sa relief effort bilang mga frontline personnel.

“I make this pledge to our people: Help is on the way. It will come by land, air, and, even by sea.”

Maging ang iba pang uniformed agencies gaya ng PNP, BFP at Philippine Coast Guard ay inilagay sa ilalim ng nasabing direktiba.

“I have ordered them to deploy vehicles, aircraft, boats, ships and all other transportation assets for, first rescue, and then relief and rehabilitation. Kabilang sa minobilisa ang presidential helicopters.

Nabatid na maging ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ay tumalima sa panawagan ng Pangulo na tumulong sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Kristine.

Noong Huwebes ng gabi, umalis ang 14-man MDRRMO rescue team papuntang Naga City na may dala pang mobile water filtration system, dalawang “Ondoy” rescue boats with outboard motor, dalawang rescue trucks, at transporter truck, sa utos ni Manila Mayor Honey Lacuna.

“Help is coming,” pahayag ni Mayor Lacuna matapos nilang makipag-ugnayan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office nang direkta sa Naga City officials para sa bayanihan effort para sa Naga City.

“Responsibilidad ng bawat lungsod ang pagtulong sa mga kapwa Pilipino sa panahon ng krisis, tayo po sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay magpapadala ng rescue team sa lalawigan ng Bicol. Hinihikayat ko po ang lahat na magdasal, at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na ito. Ipagdasal rin po natin ang ating mga rescue team na magawa nila nang tama ang mga tungkulin na inatang sa kanila. Basta, sama-sama, kayang kaya!”

“Tinitiyak ko pong handang handa pa rin po ang Maynila at sapat ang ating pwersa para tugunan ang anomang kakailanganin ng ating Lungsod na may kinalaman sa anomang bagyo o sakuna kahit pa may rescue and emergency team tayong ipinadala sa Bicol. ” (JESSE KABEL RUIZ)

104

Related posts

Leave a Comment